Facebook

Pamunuan ng Magat Dam kakasuhan sa matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela

KAKASUHAN ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang pamunuan ng Magat Dam sa Ramon, Isabela dahil sa idinulot sa mga residente ang matinding pagbaha sa kanyang teritoryo.
Ayon kay Mamba, wala namang nakukuhang pakinabang ang Cagayan sa operasyon ng dam bagkus sila ang napeperwisyo sa tuwing nagpapakawala ito ng tubig sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Mamba na inuudyukan siya ng kanyang mga nasasakupan na sampahan ng kaso ang National Irrigation Administration na siyang nangangasiwa sa Magat Dam.
Sa report ng Office of the Civil Defense, anim sa 10 namatay sa Cagayan noong nagdaang bagyo ay may kaugnayan sa baha habang libu-libong katao ang nailikas.
Sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan, sinabi nitong dapat ay mayroong ahensiyang mangangasiwa sa pagpapalabas ng tubig sa dam sa panahon ng kalamidad upang maiwasan ang trahedya.

The post Pamunuan ng Magat Dam kakasuhan sa matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pamunuan ng Magat Dam kakasuhan sa matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela Pamunuan ng Magat Dam kakasuhan sa matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 17, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.