
HABANG lumuluwag na ang patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa alituntunin kaugnay ng pakikibaka sa pandemya sa pagbukas ng mga aktibidad particular sa larangan ng sports ay lumalawig na rin ang programa ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF) sa pagtuklas pa ng mga kabataang talento ngayong panahon ng new normal kaakibat ang komprehensibong pagtupad ng health protocol sa lahat ng pingpongers sa bansa.
“The search is on.We have abundant of young talents nationwide na nag-aantay lang na madiskubre at mismong ang inyong lingkod ay personal ko silang natunghayan sa aking paglilibot sa mga bayan- bayan.Ramdam ko na aangat ang ating larangan sa ating new normal ng buhay- pongers,” optimistikong pahayag ni PTTF president Ting Ledesma na sa susunod na yugto ng kanyang ka-pongers tour sa mga iba’t- ibang table tennis clubs sa mga lalawigan kung saan ay nalibot na niya ang Timog Katagalugan.
Si Ledesma na dating miyembro ng national table tennis team ay namangha sa kanyang unang bahagi ng pingpong tour sa Laguna, Cavite, Batangas at Quezon dahil lalo pang pagdami ng mahuhusay na manlalaro maging bata hanggang sa mga batikang mga beterano at may mga nakakalaban pa siya mismo ng exhibition na tunay na may potensiyal. “Dahil diyan ay ikakasa natin ang malalaking kumpetisyon at talent search sa Luzon , Visayas at Mindanao. Iyong mga natatangi ang galing ay sasanayin natin sa main hub sa NCR para maging miyembro ng national pool,” wika ni Hotponger Ledesma.” Marami pa tayong mapo-produce na tulad ni Olympian Ian Llariba at Youth Olympian Jan Nayre.
Sa husay na maituturo ng dating world titlist na Korean coach, sa ayuda ng Philippine Sports Commission at private sector ay malaking factor ito upang maka-excel tayo sa sport na ito internationally na angkop lang sa talento ng Pinoy na di kailangan ang height advantage maging sa edad.
“We will have a new era of Filipino international caliber players in this new normal state of our lives,” ani pa Ledesma.(Danny Simon)
The post PTTF PASALAMAT SA IATF , ‘THE SEARCH IS ON’ SA MGA BATANG KA-PONGERS SA NEW NORMAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: