
SI “Busy” Presidente Leni Robredo ang inupakan ng todo ni Pangulong Rody Duterte sa trending na ‘#NasaanAng Pangulo?’ na nagsimula noong bagyong ‘Rolly’ hanggang ‘Ulysses’.
Sa kanyang lingguhang ‘public address’ last Tuesday night (Nobyembre 17), maaanghang na salita ang ipinukol ni Duterte laban kay Robredo.
Inakusahan ni Duterte si Robredo na ito ang nagpakalat sa social media ng ‘#NasaanAngPangulo?’ simula nang manalasa ang magkasunod na super typhoons Rolly sa Bicol (Camarines Sur Norte at Albay) at Ulysses sa Region 2 (Cagayan Valley, Isabela at Nueva Vizcaya).
Sagot ni Robredo, hindi sa kanya nanggaling ang ‘#NasaanAng Pangulo?’. Never aniya siyang nag-tweet ng ganito, kahit usisain pa ang lahat ng kanyang tweets.
Ang ‘#NasaanAngPangulo?’ ay unang kumalat sa social media nung kasagsagan ng bagyong Rolly nang manawagan ng tulong sa gobyerno ang mga sinalanta ng bagyo sa Bikol. At ang unang sumagot sa panawagan ay si Robredo na kaagad humingi ng tulong sa AFP at PNP at nagsagawa ng relief operations sa CamSur, CamNorte at iba pang lalawigan sa Bikol na winasiwas ni Rolly.
Sumunod na nag-trending ang #NasaanAngPangulo? nitong bagyong Ulysses na nagpalubog sa mga lalawigan ng Rizal province, Marikina City sa Metro Manila, at mga probinsiya ng Cagayan Valley, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2.
Tulad ng nangyari sa bagyong Rolly, naunang sumagot sa panawagan ng mga nalubog sa baha si Robredo. Kinontak niya ang AFP at PNP para magpadala ng rescuers at nauna rin siyang dumating sa probinsiya para mamahagi ng relief goods.
Ikinairita ito ni Duterte dahil nakikipagkompetensiya raw sa kanya si Robredo eh “tawag-tawag” lang naman daw ang ginawa nito. Wala naman aniya talaga itong ginawa.
Tapos binanatan pa ni Duterte ng mga personal na bagay si Robredo. Kung saan daw ito pumupunta sa gabi?, kung saan bahay natutulog?. Gabi-gabi raw ito lumalakad at kung anong oras umuuwi. Hehehe…
Tapos ibinida ni Duterte na siya ay nagtatrabaho sa gabi. “Sinasabi ko sayo ‘yan that I am a night person. My day begins at 2, 2 o’clock hanggang gabi na, no limit. Hanggang gabi na ‘yan, umaabot ng alas-dos, alas tres ng umaga” sa pagbabasa ng mga dokumento.
Resbak naman ni Robredo kay Duterte sa pamemersonal ng huli: “Misogynist”.
Tapos pinost ni Robredo ang kuha ng pamamahagi nila ng relief goods at mga materyales sa paggawa ng bahay sa Cagayan. “Ito po… ilang araw na kaming nagpupuyat, pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.”
Ayon sa Cambridge Dictionary, misogynist means ‘a man who hates women or believes that men are much better than women’.
Nagbanta pa si Duterte na kapag tumakbong presidente si Robredo sa 2022 ay gigibain niya ito, malamang hiyain sa publiko.
“You are presuming that I should be giving orders on the day of the storm. That is stupid… That is why you cannot be president. You do not give orders on the day of war, patay ka. Marami ako sasabihin sayo. Reserba ko nalang. When you start your campaign, waswasan kita. This your nightmare.”
Sagot ni Robredo: “Balat sibuyas!” Hindi aniya dapat maging sensitive sa kritisimo si Pangulong Duterte.
Pinagpiyestahan sa social media ang sagutang ito ng dalawang pinakamatataas na lider ng ating bansa. Nag-aaway-away ang mga pro-Duterte at mga nakikisimpatya kay Robredo.
Sa totoo lang, ngayong administrasyon lang nangyari na parang bata ang Presidente, pinagpapatulan ang mga kritiko nito. Unlike sa mga nakaraang pangulo na dedma lang ang mga kritiko. Mismo!
Keep safe, mga suki. God bless sa ating lahat…
The post Sino kayang author ng #NasaanAngPangulo?’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: