Facebook

12 bata nalason sa expired na juice galing LGU

INIIMBESTIGAHAN ng lokal na pamahalaan ng Taytay, Rizal ang pagpapamigay nito ng umano’y expired na juice, na itinuturing sanhi ng posibleng food poisoning ng hindi bababa sa 12 bata sa bayan.
Sa ulat, ipinamigay ang mga juice halos isang taon na ang nakalilipas mula sa expiration date ng mga ito, base sa packaging.
“Nagpapaimbestiga rin kami. Pero ang masasabi lang lang namin, we are only dealing with reputable supplier na accredited with FDA (Food and Drug Administration) at saka may mga permit po mula sa ating national government,” ani Taytay Mayor Joric Gacula.
“Sakali mang mayroon silang mga pagkakasalang ganyan, the municipal government will prosecute them. We will file charges against these suppliers,” dagdag ng alkalde.
Humingi naman ng paumanhin ang kompanya na gumagawa ng juice.
Magsasagawa rin umano ng sariling imbestigasyon ang kompanya at sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpapa-ospital sa mga bata.
Ipinamigay ang juice noong Huwebes at nagsimula ang pagsugod sa mga bata sa ospital madaling araw ng Biyernes.
Ayon kay Jennalyn Libres, tuwang tuwa ang anak niya habang iniinom ang juice. Pero matapos ang ilang minuto nanghina at nagsuka na ito.
Pare-pareho umano ang naramdaman ng mga bata.
“Abdominal pain, vomiting, tapos LBM (loose bowel movement). Pare-parehas sila ng naramdaman,” sabi ni Mark Jayson Pulumbarit, isa sa mga miyembro ng rumespondeng rescue team.
“Ang tinitingnan dito ay possible food poisoning,” dagdag niya.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy nitong imo-monitor ang lagay ng mga bata.

The post 12 bata nalason sa expired na juice galing LGU appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
12 bata nalason sa expired na juice galing LGU 12 bata nalason sa expired na juice galing LGU Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.