AABOT sa P30 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga gamit sa paggawa ng mga ito ang nakumpiska sa magkasunod na operasyon sa Bataan, nitong Sabado.
Sinalakay ng pulisya at mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang warehouse sa Orion, Bataan noong Biyernes, kung saan nakuha nila ang mga cigarette-making machine at materyales sa paggawa na nagkakahalaga ng P20 milyon.
Sa follow-up operation, sinalakay rin ang isa pang warehouse sa Orion, kungsaan nakuha naman ang mga pekeng case ng iba’t ibang brand ng yosi na nagkakahalaga naman ng P10 milyon.
Nag-ugat ang magkasunod na operasyon sa pagkakasabat sa P9 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo sa Limay, Bataan noong Miyerkoles.(Mark Obleada)
The post P30m pekeng yosi nakumpiska sa Bataan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: