Maigting na kinokondena ng mga MANGINGISDANG PINOY ang mga GOVERNMENT OFFICIAL natin sa tila kawalang aksiyon gayong talamak ang pagpasok sa WEST PHILIPPINE SEA (WPS) ng mga ILLEGAL VIETNAMESE POACHER na gumagamit ng CYANIDE at DINAMITA sa panghuhuli ng isda na nagreresulta sa paghihirap nang kabuhayan sa ating mga mangingisda.
Ipinunto ng mga bumubuo ng KALAYAAN PALAWAN FARMERS AND FISHERFOLK ASSOCIATION.., na ang mga MANGINGISDANG VIETNAMESE ay wala umanong habas sa paggamit ng lason o CYANIDE gayundin sa pagpapasabog ng mga DINAMITA para sa panghuhuli ng mga isda sa karagatan ng WPS na eksklusibong teritoryong sakop ng ating bansa.
Matatandaan na noong 2022, ay mayroong 104 VIETNAMESE FISHING VESSEL at 919 na MANGINGISDA ang nakulong dahil sa ipinapalagay na ilegal na pangingisda sa mga karagatang sakop ng ibang mga bansa.
Noong 2018, ang mga VIETNAMESE FISHERMEN ang madalas na illegal na nangingisda sa karagatang nasasakop ng PILIPINAS ayon sa datos ng DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE.., na bukod diyan ay natuklasan din ng militar ang 46,694 na insidente at naka-enkuwentro ang 40,135 sasakyang pandagat na dumadaan sa teritoryo ng ating bansa.
Simula noon ay tahimik na ang PAMBANSANG PAMAHALAAN sa dumaraming pagpasok ng mga VIETNAMESE.., na kinukuwestiyon ngayon ng grupo ng FILIPINO FISHERMEN.
Noong 2017, nag-isyu ang EUROPEAN COMMISSION ng “YELLOW CARD” sa VIETNAM.., na nagbabalang mapabilang sa mga bansang hindi nakikipagtulungan ang VIETNAM dahil hindi sapat ang kanilang ginagawa para sa isyu ng ILLEGAL, UNREPORTED AND UNREGULATED (IUU) FISHING.
Tinutukoy sa desisyon ng EC ang mga pagkukulang.., tulad sa kakulangan ng isang epektibong sistema ng pagbibigay-parusa upang hadlangan ang mga aktibidad ng pangingisda ng IUU at kawalan ng aksyon para matugunan ang mga aktibidad ng ilegal na pangingisda na isinasagawa ng mga sasakyang VIETNAMESE sa karagatan ng mga kalapit na bansa.
Higit pa rito.., ang VIETNAM ay may mahinang sistema umano para makontrol ang mga pagdagsa ng isda na lokal na pinoproseso bago i-export sa mga internasyonal na merkado, kabilang ang EU.
Mga ka-ARYA.., ang DYNAMITE FISHING ay isang paraan ng pangingisda kung saan ang mga pampasabog ay itinatapon sa tubig upang mapatay ang maraming isda sa mabilisang pamamaraan.., na
habang sumasabog ang mga bomba ay nagdudulot pa ito ng matinding daluyong o SHOCK WAVE sa katubigan.
Ang mga isda ay lmaglulutangan sa ibabaw ng katubigan o lulubog sa ilalim.., kung saan ay madali nang makakalap ng mga mangingisda.
Ang DYNAMITE FISHING ay Isa sa mga pangunahing sanhi sa pagkasira ng mga CORAL REEF dahil ito ay lubhang nakapipinsala sa mga bahura at sa mga organismog umaasa sa bahura.
Ang ilan sa mga PINOY FISHERMEN ay ang mga ito pa ang hinahabol ng mga ILLEGAL VIETNAMESE FISHERMEN upang maitaboy papalayo ang mga kababayan nating mangingisda.., kaya naman ang resulta ay nasisira ang ECOSYSTEM dahil napagwawasak na ang mga CORAL REEF na silbing kanlungan ng mga isda.., ika nga tuluyan nang PINATAY ng mga VIETNAMESE POACHER ang kabuhayan ng mga MANGINGISDA.
Dapat mapag-ukulan ito ng ating GOVERNMENT OFFICIALS at mapalakas pa ang puwersa ng PHILIPPINE COAST GUARD at ng iba pang ahensiyang pangkaragatan upang igiit sa mga dayuhan na ang teritoryong karagatan ng ating bansa ay dapat na MANGINGISDANG PINOY lamang ang kailangang makinabang.., ITABOY ANG MGA DAYUHANG MANGINGISDA SA MGA KARAGATANG SAKOP NG ATING BANSA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.
The post KABUHAYAN NG FILIPINO FISHERMEN ‘PINAPATAY’ NG VIETNAMESE POACHERS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: