Facebook

HETO NA NAMAN

MAHIWAGA ang kaganapan sa bansang ito ng manalo ang kandidatong ka tunog ang pangalan ng dating diktador na naglugmok sa kahirapan at takot sa taong bayan. Tila hindi natuto ang nakararami o ‘di dumanas ng pang-aapi sa dating diktador at pinili ang anak na maging lider ng bansa gayung ‘di masabi kung saan nagtapos ng pag-aaral. Maraming pahayag na kung saan-saan nagtapos ng pag-aaral at ipinagmamalaki ang mga kagalingan sa kung anong larangan. At todo ang pagdadala ng ulat ng mga pangit na kagalingan ng punong tagapagpaganap na hindi magkita at madama. Sa kung tunay ang husay at galing, bakit hindi mapabuti ang katayuan sa buhay ng mga Pinoy na halos dalawang taon ng pinamumunuan ng mahusay na lider.

Sa totoo lang, hindi nakatikim si Mang Juan ng kaginhawaan sa buhay sapul ng maluklok sa puno ng Balite sa Malacanan si Boy Pektus. Sa halip, patuloy na bumababa ang kabuhayan nito sa mahal ng presyo ng bilihin at ang unanong sahod na di magtagpo upang mapangiti kahit minsan.

Sa kasalukuyan ang napaka mahal ng presyo ng bilihin at nariyan ang banta ng muling magmamahal ng presyo na dahilan ng pagtaas ng altapresyon ni Aling Marya. Paano pagkakasyahin ang inaabot na unanong sahod ng asawa? At heto ang nasisilip na halaga ng itataas na presyo, 8% -10% na konserbatibo ang pagtaya. Kung lakipan ng pigura hihigit P1.00 ang pagtaas at depende sa bentahan sa merkado. Samantala o maging ang Kadiwa’y hindi malaman kung ipagpapatuloy sa kadahilanang kinakain ang puhunan sa mahal ng presyo at tila luging pagbebenta.

At ito’y ramdam ng mga namamahala. Walang pag-amin na gagawin dahil ito’y uri ng ayuda mula sa pamahalaan tungo sa mga mamimili. At sa kabilang banda, mahirap makita o nasa piling pamayanan ang Rolling Store ng Kadiwa na ikinairita ni Aling Marya. Tunay na hinahanap ito ng maliliit na mamimili na tulad ni Aling Marya na kahit papaano’y may mabibiling mura. Ngunit napapamura ang ale kung saan matatagpuan ang mga kadiwa na daig ang kabute na mahirap hanapin.

Sa napipintong dagdag presyo ng mahal na bilihin sa susunod na mga araw, hindi malaman ni Mang Juan kung paano iraraos ang kada araw gayung hindi pinapansin ang pagtaas ng sahod ng mga obrero. Walang hakbang ang pamahalaan na ayudahan na mapataas ang sahod ng obrero. Sa halip itutuloy ang programa ang pamimigay ng ayuda ng ‘di makawala sa bitag ng utang na loob ang mga manghahalal sa mga opisyal na ‘di ibig bumaba sa pwestong tangan.

Sa pagtaas ng presyo ng bilihin, umasa ang pagiging palaasa ng mahihirap na kababayan sa programa ng ayuda na laganap sa bansa. Tunay na walang mararating ang bansa sa uri ng mga opisyal na walang balak na umalis sa pwestong nagbibigay rangya. Ang malupit, tila bulag o nagbubulag-bulagan ang nakararami sa laganap na kahirapan at ang tanggapin ang kaayusan. Sa totoo pa rin, lumiliit ang bilang ng ibig magmulat sa kadahilanang pangako ng panlililo ng mga opisyales ng bayan.

Kamakailan, nagpahayag ang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi na walang magaganap na pagtaas ng buwis sa bansa. Sa halip paiigtingin kuno ang pangongolekta ng kasalukuyang buwis na ipinapataw ng masagutan ang mga nakahanay na programa na pinopondohan ng pamahalaan. Ngunit hindi mapapanghawakan ang pahayag ng kalihim dahil sa sumusunod na pahayag na makikipag-ugnayan ito o ang Kagawaran sa mga mambabatas sa mga ihahaing panukalang batas hinggil sa mga karagdagang buwis na kakailanganin ng bansa. At batikan ang dating mambabatas sa mga pahayag na magkasalungat na nagpapahilo kay Mang Juan ngunit nagpapangiti sa mga kinauukulan na hanapbuhay ang panlililo. Ang masakit, ‘di pa pinag-uusapan ang balak na pangungutang na sasalo sa gastusing bayan. Mang Juan maghanda sa mahabang panahon bayarin, hehehe.

Bayan, umasa sa patong patong na umento sa presyo ng bilihin na kakaharapin sa susunod na mga araw na magpapasakit sa ulo. Ngunit huwag pabayaan ang katawan dahil hindi sinang-ayunan ni Boy Pektus na pansamantalang itigil ang pagtaas ng premium ng PHILHEALTH. Sa halip ibig pagandahin kuno ang serbisyo ng nasabing korporasyon na mas maraming kababayan na serbisyohan, bayad na ba ang utang sa maraming pagamutan? Sa totoo pa rin, hindi tumataas ang makukuhang serbisyo sa PHILHEALTH dahil may tinatawag itong “ceiling” sa gastusing bawat sakit. Mang Juan ang pag-aalaga sa katawan ang gawin dahil hindi mapanghahawakan ang ibig ni Boy Pektus na pagandahin ang serbisyong mapapako at maging pangakong bigas ang kahinatnan o kalalabasan.

Sa takbo ng buhay, tunay na walang palad ang mga tao sa laylayan ng lipunan kung pag-unlad ang pag-uusapan dahil sa kawalan ng tuwirang pakikilahok upang ilandas ang sarili sa pakinabang. Ang pagiging palaasa sa mga lider na sarili ang una bago ang bayan higit kung halalan ang tanging magagawa at hanggang doon lang. Walang paraan na mabago ang takbo ng buhay dahil ang magkaron ng kakarampot na kita at mabili ang langit presyong pangangailangan ang tanging layon. Ang pagtangkilik sa programang nakahulma sa pagsunod na tila bulag ang tamang kilos ng ‘di mapag-initan at damputin sa kangkungan. Ang makamit ang ayudang abot ng mga mapalad ang tulong na batid at ‘di makita ang halaga ng ambag sa lipunan, nakakaiyak.

Sa pagpasok ng mga bilihing abot langit ang halaga, hindi makita ni Mang Juan kung paano mabubuhay ang pamilya na hikahos ang kabuhayan at heto na naman, ibig o nais pang ipa hilahod na sadyang nakakalungkot. Tila walang paraan ang iniluklok na pangulo dahil ‘di dama ang kahirapan ng bayan at ibig ang mag-ikot sa mundo sa halip na alamin ang katayuan ng mga taong umaasa. Hindi madama ng taong bayan ang pagmamahal sa pinagkatiwalaan dahil inilalayo ang sarili sa mga viajeng langit kasama ang mga kaibigan na walang damdamin sa maliliit.

Walang pagbabalik tanaw sa mapait na nakaraan dahil ang kasalukuyan ang mahalaga. Samantala, ang asawang katuwang sa pagmamahal sa bayan, inuuna ang kaibigan, kamag-anak at kakampi sa pagkita sa mga puslit na negosyo na ‘di pinadadaan sa aduana. Hay Mang Juan, heto na naman ang kasaysayan na umuulit ulit, ngunit ‘di natutunan ng maraming kababayan.

Maraming Salamat po!!!

The post HETO NA NAMAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HETO NA NAMAN HETO NA NAMAN Reviewed by misfitgympal on Enero 25, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.