NASAWI ang isang pari at isang babae nang mabangga ang sinasakyang tri-cab sa bayan ng Alubijid, Misamis Oriental, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Fr. Ike Jumao-as ng Iglesia Filipina Independiente, at Angelina Sabellena.
Nasugatan naman ang driver ng tri-cab, na binangga sa likuran ng isang Innova.
Tumilapon din sa gilid ng daan ang isang lalaking nakamotorsiklo na nadamay sa aksidente.
Ayon kay Staff Sgt. Bobby Neri, mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng Innova na nakadetene ngayon sa Alubijid Municipal Police Station.
Sa pahayag ng driver sa pulisya, sinabi niyang biglang nag-u-turn ang sinusundang tri-cab kaya nangyari ang aksidente.
Mahaharap ang driver ng Innova sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries.
The post Pari, 1 pa patay sa banggaan ng tri-cab at kotse appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: