ARESTADO ang 72-anyos na lolo nang gahasain umano nito ang kanyang dalawang menor-de-edad na apo sa Sitio Sta. Maria, Barangay Culis, Hermosa, Bataan.
Kinilala ang suspek na si Manuel Daculong alyas “Manoy”, residente ng nabanggit na lugar.
Sa report, inaresto si Daculong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Amelita Corpuz para sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law.
Ayon sa ulat, nangyari ang panggagahasa ng suspek sa kanyang dalawang apo noong nasa edad 12 at 14 pa lamang noong Enero 2019 at pinakahuli nitong Hunyo 2020.
Nakakulong na sa Hermosa Municipal Police detention cell ang suspek.
The post 2 apo ginahasa ni lolo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
2 apo ginahasa ni lolo
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 28, 2021
Rating:
Walang komento: