DALAWA ang patay kabilang ang anak ng mayor ng bayan ng San Pascual, Batangas sa isang vehicular accident sa national highway sa Barangay Soro-Soro, Batangas City, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Patrick Dimayuga, anak ni San Pascual Mayor Tony Dimayuga, at Nelson Gutierrez.
Sa report ng Batangas City Police, nangyari ang aksidente 5:30 ng hapon. Minamaneho ni Dimayuga ang kaniyang kotse nang mawalan ng kontrol nang mag-overtake ito.
Nasagasaan ng kotse si Gutierrez na nag-aabang lang ng masasakyan. Sumalpok pa ang kotse sa poste ng kuryente.
Dead on the spot si Gutierrez habang dead on arrival sa Golden Gate General Hospital si Dimayuga.
The post Anak ng mayor, 1 pa patay sa aksidente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: