TODAS ang dalawang miyembro ng Kidnap for Ranson Group (KFRG) nang makaengkwentro ang mga elemento ng Philippine National Police Anti- Kidnaping Group (PNP AKG) sa operasyon sa Botolan, Zambales.
Kinilala ni BGen Jonnel Estomo, direktor ng PNP-AKG ang napatay na si Michael Corpuz, kasapi ng Mokong KFRG at No.1 MWP ng PNP-AKG; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na kasamahan nito.
Ayon kay Estomo, 11:20 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng PNP AKG Luzon Field Unit, Zambales Provincial Police Office, PNP Drug Enforcement Group, at Botolan Police Station sa Sitio Alao, Barangay San Juan, Botolan.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Kidnapping for Ransom mula sa sala ni Judge Byron F. San Pedro ng RTC Branch 69, Taguig City; Kidnapping for Ransom mula sa sala ni Judge Felix P. Reyes ng RTC Branch 70, Taguig City, laban sa Mokong KFRG at mga miyembro sa pamumuno ni Ryan Bonn Dela Cruz.
Mayroon pang ibang warrant of arrest ang Mokong KFRG na sangkot sa serye ng gun running, robbery, illegal drugs at KFR na nag-o-operate sa lalawigan ng Rizal, Region 3 at National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Estomo na kabilang si Corpuz sa mga nagpangap na mga miyembro ng PDEA na nagsagawa ng pekeng drug operation kungsaan ninakawan at kinidnap ang 3 katao sa Brgy. Ususan, Taguig City noong Feb 2018. (Mark Obleada)
The post 2 miembro ng KFRG patay sa engkwentro sa Zambales appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: