Facebook

2 no. 1 most wanted persons sa Cavite timbog

Camp Pantaleon, Imus, Cavite – Nalaglag sa kamay ng batas ang mga itinuturing na ‘number one most wanted’ sa Regional at Provincial Levels sa probinsya ng Cavite na kapwa may kaso ng paulit-ulit na panggagahasa.
Nasakote nitong Martes sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng Warrant Section ng Carmona Municipal Police at ng General Trias City Police, CIDG Cavite PFU, 401st Maneuver Company, at Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A) ang mga suspek na sina Edwin Arnaiz Jr., 46 anyos, number 1 sa Regional Level Manhunt Charlie, ng San Pablo St., Barangay Poblacion sa bayan ng Carmona, na may kasong 4 counts of Rape at 3 counts of Rape and sexual assault sa sala ni Judge Niven Canlapan ng Regional Trial Court Branch 109, Carmona, Cavite; at si Edwin Estrada, 53, number 1most wanted sa Provincial Level, ng CM Delos Reyes St., Brgy.Manggahan, Gen.Trias City, na may kaso ng 2 counts of Rape.
Nakakulong ngayon ang dalawa sa Carmona at General Trias City Lock up cell sa Cavite at walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
(Jose “Koi” Laura)

The post 2 no. 1 most wanted persons sa Cavite timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 no. 1 most wanted persons sa Cavite timbog 2 no. 1 most wanted persons sa Cavite timbog Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.