Facebook

Nurse huli sa buy bust ops

ARESTADO ang isang nurse ng City Health Office (CHO) sa drug buy bust operation ng mga operatiba ng Buhangin PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11 sa Barangay Indangan, Buhangin, Davao city.
Ayon sa Buhangin PNP, ang nurse ay Top 7 sa Regional Level Drug Watchlist ng otoridad.
Nakilala ito na si alyas Tina, 36 anyos, nagpakilalang nurse at nadestino bilang Surveillance Officer sa Davao City Health Office at residente ng Brgy. Indangan.
Nakuha sa posisyon ni Tina ang pakete ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P16,000 at boodle money.
Una nang nahuli si Tina noong Agosto 2017 sa Talomo Police dahil rin sa pagkakasangkot sa droga at nakalabas noong Septyembre 2019 sa ‘probation.’
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post Nurse huli sa buy bust ops appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nurse huli sa buy bust ops Nurse huli sa buy bust ops Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.