DINUKOT umano ang apat na nagreklamong magulang ng ilan sa nareskyung 19 lumad minors sa iskul sa Cebu.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), posibleng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagdukot.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, nakatakdang makipagkita ang apat na Ata Manobo parents sa lokal na pulisya sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte para sa pagbiyahe pa-Cebu City para makita ang kanilang mga anak, subali’t dalawang magulang lang ang nagpakita.
Ayon kay Sinas, apat na magulang ang dinukot ng organizers ng communist front groups na nagpakilala sa kanilang mga pulis noong Linggo.
Pinaghahanap na ng pulisya at social welfare sa Davao ang nawawalang mga magulang,
“These Lumad parents need to go to Cebu because their rescued minor children will only be released to them, and will only be allowed to travel back to Davao accompanied by their parents or guardians. However, the Lumad children are back in Davao now and there is no way the parents would be able to meet them in Cebu,” sabi ni Sinas. (Gaynor Bonilla)
The post 4 magulang ng nareskyung 19 Lumad, dinukot appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: