SINUNOG ang bahay ng isang kilalang film director sa Barangay Buliran, San Antonio, Nueva Ecija.
Kinilala ang film director na si Jose “Kaka” Balagtas.
Sinabi ni Balagtas na nangyari ang sunog noong Sabado, Pebrero 20, ng madaling araw.
Aniya, Linggo nang datnan niyang tupok na tupok ang kanyang bahay na pinaghirapang niyang ipatayo mula sa mahigit dalawang dekada nitong karera.
“Walang natira kahit ano, ‘yung pinaghirapan ko ng 22 taon nilagay ko doon, ayun, tupok na tupok, walang pakikinabangan,” ani Balagtas.
Kasunod nito, nanawagan si Balagtas kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil dito upang malaman ang nasa likod ng pagsunog sa kanyang bahay.
“Gusto ko pong humingi ng tulong sa presidente ng Pilipinas, kay Pangulong Digong, na maatasan ang ating kapulisan na mag-imbestiga sa bahay ko pong sinunog, na pinaghirapan ko ng matagal na panahon,” ani Balagtas.
Magugunitang sumabak sa pulitika si Balagtas at nagsilbing alkalde sa kanilang lugar mula taon 2010 hanggang 2016.
The post Bahay ng film director sinunog! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: