Facebook

676,461 indibidwal nagparehistro na sa libreng bakuna sa Maynila – Isko

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno noong Sabado, Feb. 13 na mayroong ng kabuuang 676,461 na indibidwal ang nagpahayag ng kanilang interes na makapagpabakuna makaraang makapagrehistro ang mga ito sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Sinabi ni Moreno ang ang kabuuang bilang ay mula sa ulat na ibinigay sa kanya ni Manila Health Department (MHD) head Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan. Sinabi rin ng alkalde na pinangangasiwaan ni Pangan ang paggawa ng masterlist ng priority groups sa pamamagitan ng pagrerehistro ng mga indibidwal.

Matatandaan na inilunsad ng alkalde noong December 31, 2020 ang Manila Vaccination and Immunization app. Ang app ay maaaring puntahan sa website na https://ift.tt/3nQ5c8v kung saan maaring magrehistro ang bawat indibidwal para sa libreng bakuna sa lungsod.

Sa ulat ni Pangan ay mayroon ng nakarehistrong 13,552 frontline health workers sa Maynila na binubuo ng kawani ng MHD central office sa Manila City Hall, kawani ng six city-run hospitals sa Manila gayundin ng mga pribadong ospital at clinics na nasa lungsod.

Mayroon ding nakapagehistro na 157,679 senior citizens mula sa 896 barangays sa Manila; 500,351 indigents na binubuo ng 9,878 persons with disabilities (PWDs) at 490,473 indigents. Ang mga ito ay inilista ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa ilalim ng hepe nitong si Re Fugoso.

Nagparehistro din para sa libreng bakuna ang may 4,879 “uniformed personnel” mula sa Manila Police District (MPD), 4,100; Bureau of Fire Protection (BFP), 440 at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), 339.

Nakapaglagay na rin sina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ng 18 vaccination sites. Ito ay matatagpuan sa mga pampublikong paaralan na bubuuin ng tatlong team bawat vaccination sites sa lahat ng anim na distrito ng Maynila.

Target ng pamahalaang lungsod na makapagpabakuna ng may 1,000 indibidwal kada vaccination site o 18,000 araw-araw sa buong lungsod. Ito ay nangangahulugan ng kabuuang 126,000 sa loob ng isang linggo o mahigit 500,000 sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Lacuna na isa ring doktor at siyang nangangasiwa ng operasyon ng anim na city hospitals, bubuuin ng 25 kawani ang bawat vaccination team.

Ito ay binubuo ng isang supervisor at tatlong doktor na siyang magsasagawa ng screening at medical emergency kung kailangan; apat na nars na siyang magtuturok at gagawa ng surveillance; tatlong dentista na magsisilbing counselors at encoders; isang midewife na magmo-monitor; isang HEPO (Health Education and Promotion Officer); limang Barangay Health Workers (BHWs) na magsisilbing tagabakuna rin, gagawa ng surveillance at encoders; isang logistics officer para vaccine delivery at retrieval at na six support staff (security, crowd control, driver, sanitation and maintenance).

Kaugnay naman sa takbo ng delivery of ng COVID-19 vaccines, mula sa Department of Health (DOH) o sa Vaccine Supplier, sinabi ni Lacuna na ito ay idi-deliver ng MHD vehicles sa Sta. Ana Hospital Manila COVID-19 Vaccine Storage Facility.

Mula sa facility, ang mga bakuna ay dadalhin sa 18 vaccination sites kung saan ito kailangan. (ANDI GARCIA)

The post 676,461 indibidwal nagparehistro na sa libreng bakuna sa Maynila – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
676,461 indibidwal nagparehistro na sa libreng bakuna sa Maynila – Isko 676,461 indibidwal nagparehistro na sa libreng bakuna sa Maynila – Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.