Facebook

‘Wag puro kabig ang mga tollways operators

BINIGYAN-DIIN ng Toll Regulatory Board ng Department of Transportation (DOTr) na sa Pebrero 22 pa magsisimula ang three-strike policy sa cashless lanes sa mga tollways sa bansa.

Sinabi ni DOTr. Usec. Garry De Guzman na sinasapinal pa nila ang 3-strike policy para sa mga motoristang paulit-ulit na lalabag sa hindi paglo-load o pagkakabit ng kanilang RFID.

Nilinaw din ni De Guzman na patuloy pa ang kanilang pag-aaral at konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders, kasama na ang mga tollway operators, pero iginiit na ang kahalagahan nang pagpapatupad nito sa lalong madaling panahon.

Marami kasi aniyang mga motorista ang pasaway, kung saan dumadaan ang mga ito sa cashless lanes sa tollways kahit pa alam naman ng mga ito na walang laman na load ang kanilang RFID stickers sa kanilang sasakyan.

Inihalimbawa nito na noong Disyembre, sa CAVITEX, aabot sa 30,352 ang dalawa hanggang limang beses na dumaan sa cashless lane na hindi sapat o walang load.

Para kina Deputy Speaker Wes Gatchalian at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dapat magkaroon din ng strike policy para naman sa mga toll ways operators na hindi tutugon sa itinakdang minimum performance standards.

Tiniyak naman din ni De Guzman na aayusin na rin ng mga tollways at kanilang mga partner systems ang problema sa loading sa RFIDs.

Magandang proyekto sana ito ng DOTr kung mapapanatiling hindi “one-sided” pabor sa mga toll ways operators ang mga itinadhanang rules & regulations ng Toll Regulatory Board (TRB) na kamakailan lamang ay inutos ni Presidente Digong Duterte kay DOTr Sec. Arthur Tugade na pagsisibaking lahat dahil sa kapalpakan at pagiging inutil sa puwesto.

Obvious naman na karamihan sa mga opisyal ng TRB ay kumikiling pabor sa mga higanteng toll ways operators para sa kanilang personal na interes.

Kaya nga sumiklab sa galit ang Pangulo nang malamang sa ilalim ng pandemya dulot ng Covid-19, saka naman isinusulong ng mga toll ways operators na ito ang karagdagang pabigat na gastos sa mga motorista.

Kung di ba namang kakupal-kupalang mentalidad ito ng mga ganid na negosyanteng operators ng tollways na kinakatigan naman ng mga opisyal ng TRB.

Sa ganang atin, ang pagpapatupad ng RFIDs na ito ay puwede pang ipagpaliban hanggang maka-fully recovered na ang taongbayan mula sa pandemyang ito.

Ang pagpapatupad ng RFIDs sa Ika 22 ng buwang ito ay sadyang di napapanahon at hindi makatarungan para sa mga naghihirap nating kababayang Pilipino.

Hindi prayoridad iyan ng pamahalaan para pagkalooban ng “undue favor” ang mga pribadong kumpanya in the expense of DOTr at TRB!

Mahiya naman kayo kahit konti sa publiko

‘Wag puro kabig!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post ‘Wag puro kabig ang mga tollways operators appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Wag puro kabig ang mga tollways operators ‘Wag puro kabig ang mga tollways operators Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.