Facebook

Bong Go sa magdi-date ngayong Valentine’s Day: Mag-ingat kayo!

PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat, lalo ang mga magseselebra ng Valentine’s Day, na maging maingat sa kanilang gagawin o pagdi-date sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask upang maging ligtas ang kanilang minamahal laban sa COVID-19.

“Happy Valentine’s Day sa mga Pilipino. Sa mga walang date diyan, narito kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte na nagmamahal sa inyo,” ang sabi ni Go.

“Sa darating na Araw ng mga Puso, mag-ingat. Mag-face mask kayo dahil talagang delikado pa ang panahon habang hinihintay natin ang binibiling vaccine ng gobyerno,” paalala ng senador.

Sinabi ni Go na siyang chairman ng Senate committee on health, na top priority ng gobyerno na tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Filipino sa pamamagitan ng pagbakuna sa lalong madaling sa marami nating kababayan para mawakasan na ang pandemya.

“Dapat safe at effective na vaccine ang iturok sa bawat Pilipino para makuha natin ang kumpiyansa ng bawat isa,” ani Go na nagsabi pang siya at si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi tumitigil para maibigay ang pangangailangan ng sambayanan.

Sinabi ng senador na makikipagpulong si Pangulong Duterte sa Clark Air Base sa pamilya ng mga biktima ng Bukidnon helicopter crash.

Noong Enero 16, isang UH-1 “Huey” helicopter ang bumagsak sa Malaybalay City habang nagsasagawa ng routine mission para mag-deliver ng supplies. Patay lahat ang pitong miyembro ng Armed Forces na sakay ng helicopter, kinabibilangan ng Philippine Air Force personnel at tatlong Army personnel. (PFT Team)

The post Bong Go sa magdi-date ngayong Valentine’s Day: Mag-ingat kayo! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa magdi-date ngayong Valentine’s Day: Mag-ingat kayo! Bong Go sa magdi-date ngayong Valentine’s Day: Mag-ingat kayo! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.