PERSONAL na binigyan ng iba’t ibang ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kalesa drivers at mga kasapi ng lokal na Tricycle Operators and Drivers Associations sa Laoag City, Ilocos Norte dahil apektado pa rin sila ng pandemya
“Patuloy kaming umiikot—hindi lang sa mga nabahaan, nalindol o nasunugan—pati rin sa mga tinamaan ng pandemyang ito. Alam namin na mahirap ang buhay ngayon at apektado ang inyong hanapbuhay. Tinanong ko kanina, ‘kumusta ‘yung hanapbuhay?’ Talagang mahina raw talaga sa ngayon,” ang sabi ni Go.
Isinagawa ang distribusyon ng ayuda sa Centennial Complex sa pakikikpagtulungan ng ilang government agencies. Namahagi sila ng mga makakain, food packs, vitamins, masks at face shields sa may 490 tricycle at kalesa drivers.
May mga binigyan din ng sapatos, bisikleta at computer tablets.
“Isa lang ang pakiusap ko sa mga kabataan, mag-aral kayo nang mabuti dahil kayo ang pag-asa ng bayang ito. Konsuwelo rin ito ng inyong mga magulang na ginagawa ang lahat para lang makapagtapos kayo,” sabi ni Go.
“Tuwang-tuwa po ako nu’ng nakita ko siya (Senator Go). Pumunta talaga siya dito sa aming bayan. Nagpapasalamat ako dahil biniyayaan niya ako ng bagong bike. Gagamitin ko ‘to para sa aking anak para mabigyan siya ng magandang kinabukasan,” ang sabi ni Ryan Cacal, isang tricycle driver. (PFT Team)
The post Transport, tourism workers sa Ilocos Norte, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: