Facebook

Shootout sa Pasay: 2 bulagta!

Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Cultural Center of the Philippines complex sa Pasay City, Biyernes ng gabi.
Bumulugta mula sa natumbang motorsiklo ang 2 suspek na natadtad ng bala sa shootout sa gilid ng gusali ng Manila Film Center.
Ayon kay Police Col. Cesar Paday-os, hepe ng Pasay City police, nagtangkang tumakas ang mga lalaki at nakipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng station drug enforcement unit.
Binibilhan noon ang target na si alyas “Ogag” at ang kasamahan ng 25 gramo o nasa mahigit P50,000 halaga ng shabu.
Sabi ni Paday-os, unang namaril ang mga suspek sa katransaksyong undercover na pulis na nakasakay sa kotse.
Hindi nasaktan ang pulis, pero natamaan ng bala ang bintana at dashboard ng sasakyan.
Doon na umano gumanti ng putok ang mga kasamang security back-up hanggang mapatay ang 2 suspek.
Ayon kay Paday-os, 3 araw nang target ang suspek pero noong Biyernes lang natuloy ang pagkikita sa madilim na tabi ng gusali.
Narekober sa mga katawan ng suspek ang pinambayad na pera at 2 baril—tig-isang caliber .45 at caliber .38.
Iimbestigahan din ng pulisya ang mga source at iba pang kasamahan ng mga suspek.(Gaynor Bonilla)

The post Shootout sa Pasay: 2 bulagta! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Shootout sa Pasay: 2 bulagta! Shootout sa Pasay: 2 bulagta! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.