Facebook

Shabu sa adobo at bakareta ipinuslit sa Baguio City Jail

Pinaghahanap ang lalaking nagtangkang magpuslit ng kontrabado sa loob ng Baguio City Jail, nitong Biyernes ng hapon.
Sa ulat, nakumpiska ang 10 plastic ng hinihinalang shabu na tinangkang ipuslit ng nasabing lalaki sa loob ng piitan na inihalo sa adobo at bakareta na dala nito.
Ayon kay Baguio City Male Dorm Jail Warden, Jail Supt. Mary Ann Tresmañio, napansin nila na medyo malalaki ang slice ng ilang karne sa adobo at bakareta na dala ng suspek kaya pinisil pisil nila ito.
At naramdaman nila na may kakaiba na nakapagitna sa mga karne kaya hiniwa nila ito at habang isinasagawa ang inspeksyon, biglang tumakbo ang suspek palabas kaya hinabol ito ng dalawang jail guards pero nabigo silang dakpin ito.
Matapos mahiwa ang mga karne tumambad sa kanila ang 10 plastic sachets ng hinihinalang shabu at dalawang sachet na naglalaman ng mga foil.
Sa ngayon,y pinag-aaralan na ang mga CCTV footages para makatulong sa imbistigayon sa insidente.

The post Shabu sa adobo at bakareta ipinuslit sa Baguio City Jail appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Shabu sa adobo at bakareta ipinuslit sa Baguio City Jail Shabu sa adobo at bakareta ipinuslit sa Baguio City Jail Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.