Facebook

Parak, todas sa bundol

Patay ang isang pulis nang mabangga ang motorsiklo ng pampasaherong jeep sa highway ng Cabadbaran City nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Jassen Jude Salvani, 27, ng B21 L 1 Rosalina 1 Bago Gallera, Davao City, at nakatalaga sa Cabadbaran City Police Station, Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Sa ulat, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa Butuan City nang maganap ang pangyayari 5:50 ng umaga at tinatahak ang National Highway, P-3, Barangay Mabini, Cabadbaran City nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep mula sa kabilang direksyon.
Kaagad na isinugod sa pagamutan si Salvani subali’t hindi na umabot pang buhay.

The post Parak, todas sa bundol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Parak, todas sa bundol Parak, todas sa bundol Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.