Facebook

BIR pinuri ng mga kongresista sa malaking koleksyon

PINAGTIBAY nina House Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romuladez at Deputy Majority Leader at Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo ang isang resolusyon na nagbigay papuri sa Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos lagpasan ng 15 porsiyento ang target na koleksiyon sa taong 2020 sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya sanhi ng naranasang pandemyang dulot ng Covid-19.

Sa ilalim ng House Resolution NO. 1538, pinapurihan nina Romualdez at Arroyo si BIR Commissioner Cesar R. Dulay at buong economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangunguna ni Finance Sec. Carlos “Sonny” Dominguez sa ipinamalas na pagsusumikap na makabangon ang ekonomiya laban sa pandemya.

Ayon sa dalawang mambabatas, umabot sa kabuuang P1.94 trillion ang nakolekta ng BIR noong nakaraang taon na lagpas ng 15 porsiyento sa target collection na P1.69 trillion o katumbas ng P255.19 billion.

“The Bureau of Internal Revenue has exceeded its tax collection target for the Fiscal Year 2020 despite the crippling effect of the COVID-19 pandemic on the national economy,” pahayag pa nina Romualdez at Arroyo.

Dagdag pa ni Romualdez, iniulat ni Commissioner Dulay na huling naisakatuparan ng BIR na malagpasan ang target collection ay noon pang taong 2001 at 2003.

“BIR Commissioner Caesar R. Dulay’s decisive leadership and together with the entire economic team of President Rodrigo Roa Duterte, has steered the Bureau surpassed its fiscal target through sustained implementation of various fiscal measures aimed at improving the tax
collection efficiency of the national government such as the strict implementation of the Taxpayer Account Management Program, monitoring of tax remittances, and escalation of tax awareness learning activities at the local level despite the global health crises brought about by the COVID-19 pandemic,” ipinaliwanag pa ng dalawa.

Si Romualdez, bilang chairman ng makapangyarihang House committee on rules at Arroyo na chairman ng House committee on energy ay kapuwa nagpayag na nagkaisa ang mga miyembro ng Kongreso na hindi lamang dapat kilalanin kundi kailangang suportahan ang naging pagkilos ng BIR na pinakinabangan ng buong bansa.

“This sterling performance of the Bureau of Internal Revenue for Fiscal Year 2020 under the leadership of Commissioner Caesar Dulay, despite the current economic challenges, should be held up as an example for other public servants to emulate, and therefore worthy of commendation from the House of Representatives,” pahayag pa ng dalawang mambabatas. (PFT Team)

The post BIR pinuri ng mga kongresista sa malaking koleksyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIR pinuri ng mga kongresista sa malaking koleksyon BIR pinuri ng mga kongresista sa malaking koleksyon Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.