Facebook

Higit 20 preso at pulis positibo sa COVID-19: Koronadal City Police Station isinara

Isinara at bawal munang lapitan ang Koronadal City Police Station lalo na ang lock-up cell nang makumpirmang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 21 Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Col. Joefel Siason hepe ng Koronadal City PNP.
Ayon kay Siason, mahigit 70 iba pa na nakapiit sa istasyon ang isinailalim na rin sa swab test kabilang na ang tatlong personnel na may close contacts sa mga nagpositibo.
Aminado itong hindi magiging madali ang pag-transport ng mga PDLs dahil sa mas mahigpit na safety precautions.
Sa ngayon, naghahanap pa ng malilipatan ng pasilidad dahil kailangan ng isang isolation facility na mahigpit ang seguridad sa kuwartong paglalagyan upang maiwasan ang pagtakas.
Humingi na rin ng augmentation force sa South Cotabato Provincial Police Office ang Koronadal PNP.
Una na ring sinabi ni OIC-City Health Officer Dr. Edito Vego, maaaring nanggaling sa mga bisita o mga dumalaw ang kanilang pagkahawa ng sakit.

The post Higit 20 preso at pulis positibo sa COVID-19: Koronadal City Police Station isinara appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 20 preso at pulis positibo sa COVID-19: Koronadal City Police Station isinara Higit 20 preso at pulis positibo sa COVID-19: Koronadal City Police Station isinara Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.