Facebook

7 DATING ‘TOLONGGES’, EMPLEYADO NA NG CITY HALL – ISKO

PITONG mga kabataan na tinawag ni Mayor Isko Moreno na dating mga ‘tolongges’ dahil sa pangingikil ng pera sa kalye bilang mga ‘solvent boys,’ ang nabigyan ng panibagong pagkakataon makapamuhay ng disente at ngayon ay ganap ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod makaraang kunin mismo sila ng alkalde.

Pinasalamatan ni Moreno si Manila Police District-Dagupan police community precinct chief Capt. Gerry Tubera na siyang nakahuli sa dalawang ‘solvent boys’ dati na kanyang inirekomenda sa alkalde na bigyan ng trabaho at tinanggap naman sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na pinamumunuan ni Director Dennis Viaje.

Ang dalawa na nakilalang sina Ralph Acebedo at Ralph Bantuas ay naka-uniporme na ng MTPB nang iharap kay Moreno makaraang pormal na maging traffic enforcers ng MTPB matapos ang kanilang pagsasanay. Nagbabala naman si Moreno sa dalawa na huwag mauugnay sa korapsyon.

“Wag kayo mangongotong ha. Kundi kokotongan ko kayo. Dignidad ang gawin n’yong kayamanan ninyo,” paalala ni Moreno.

Samantala ang limang iba pa ay kinuha naman ni Manila department of social welfare chief Re Fugoso bilang mga social workers.

Ayon kay Moreno sa limang solvent boys, dalawa dito ang may mga reklamo mula sa mga motorista bilang mga wiper boys na madalas na nangha-harass sa kanila. Nang beripikahin, ayon kay Moreno, ang mga ito ay agad na hinuli.

Sa kanyang live broadcast, binigay ni Moreno sa bawat isang dating solvent boys ang tseke na nagkakahalaga ng P9,000 bilang paunang sweldo ng mga ito at sinabing maswerte ang mga ito dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makapagsilbi sa mamamayan ng lungsod at makatanggap ng bayad para dito.

Ayon pa kay Moreno, ang mga dating solvent boys ay ilang beses nang dinampot ng mga social workers pero tumatakas at muling bumabalik sa kalye. Paulit-ulit lang ang ganitong pangyayari ayon pa sa alkalde kung kaya’t kailangan bigyan ang mga ito ng pagkakataong makapamuhay ng disente.

“Dati kayo ang hinahabol…ngayon kayo na manghahabol. Minsan kailangan n’yo lang pagtiwalaan ang inyong pamahalaan,” pahayag ni Moreno sa mga dating solvent boys.

Pinasalamatan at pinuri ni Moreno sinaTubera, Viaje at Fugoso sa pagiging kaisa niya sa pagbubukas ng pintuan sa mga dating solvent boys na ngayon ay mga empleyado na para ayusin ang kanilang dating buhay. (ANDI GARCIA’JOCELYN DOMENDEN)

The post 7 DATING ‘TOLONGGES’, EMPLEYADO NA NG CITY HALL – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 DATING ‘TOLONGGES’, EMPLEYADO NA NG CITY HALL – ISKO 7 DATING ‘TOLONGGES’, EMPLEYADO NA NG CITY HALL – ISKO Reviewed by misfitgympal on Pebrero 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.