TODAS ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group na sangkot sa gun smuggling sa ikinasang operasyon sa Sitio Buton, Barangay Kansipat, Panamao, Sulu, Linggo ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Wahid Sahid, active member ng ASG/Kidnap for Ransom Sulu-based group sa ilalim ni ASG Sub-Leader Almujir Yadah.
Ang grupo ni Yadah ay may koneksiyon din sa ilang private armed groups na nag-ooperate sa 2nd District ng Sulu.
Ayon kay Sinas, sangkot si Sahid sa smuggling ng mga armas na siyang nagbibigay o supplier ng high-powered firearms sa mga ASG/KFR sa Zamboanga City at Sulu.
Sa report ni PNP AKG-Director BGen. Jonnel Estomo kay PNP Chief Debold Simas, ang operasyon sa Panamao ay joint operation ng PNP-AKG, Philippine Marines, at Regional Mobile Force Battalion at Panamao PNP.
Inihayag ni Sinas na may planong maglunsad ng kidnapping ang ASG kungsaan na-monitor ang suspek sa Barangay Labuan, Zamboanga City noong Enero na siyang nagsilbing spotter kung sino ang posibleng maging target.
Nakuha sa posisyon ni Sahid ang isang M14 rifle,1 M14 rifle, 1 M14 rifle,1 M4 cal. 5.56mm may may nakalagay na M203 grenade launcher at dalawang 40mm ammunitions.(Mark Obleada)
The post ASG member patay sa shootout sa Sulu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: