PATAY ang isang lalaking sisilbihan ng search warrant, at bumulagta rin ang pinaghihinalaang tulak sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan.
Kinilala ang napatay na si Enrico Villaflores Cuare alyas “Bulog”.
Sa report, nilusob nitong Sabado ng Marilao Police bitbit ang search warrant mula sa RTC Branch 76 1st Vice Executive Judge Albert Financier laban kay Cuare.
Nang makarating sa lugar, pinaputukan ng target ang mga operatiba na may bitbit na search warrant.
Narekober sa lugar ang cal.9mm pistol, cal.38 revolver at mga basyo ng bala.
Patay rin si Fajad Dumara Madaya, ng Brgy. Gaya-gaya, San Jose Del Monte (SJDM), habang nakatakakas ang kasamahang si Alexander Masagnay sa buy-bust operation ng pulisya nitong Huwebes.
Sinasabing noturyos na tulak sa nasabing barangay ang napatay na suspek. (James de Jesus)
The post 2 lalaking palaban todas sa mga parak sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: