Facebook

Kahera kulong sa pagtangay ng P.5m ng kompanya

ARESTADO ang isang kaherang nagnakaw ng halos P.5 milyong salapi sa pinagtatrabahuhang kompanya sa Malabon City.
Nahaharap sa kasong Qualified Theft si Hazel Hilario, 38, stay-in sa pinagtatrabahuhang Brenton International Venture Manufacturing Corporation sa 76 P. Borromeo Street, Brgy. Longos, Malabon City.
Ayon sa saksing si Myra Medenilla, 33, isa ring kahera at residente ng Alupian Street, Dagat-dagatan, Barangay Longos, noong Pebrero 19 ay natuklasan niyang nawawala ang transmittal records ng cash advance na nagkakahalaga ng P51,000 at P77,000 nang walang anumang rekord.
Agad nagsumbong si Medenilla sa punong tanggapan ng kompanya na kinatawan ni Harold James Jabat, 39, Plant Operator Head, ng Ville Dela Bonte Divine, Prenza 1, Marilao, Bulacan.
Sa isinagawang spot audit ni Raul Jaymalin , 38, Audit Supervisor, ng 23 Katarungan Street, Caniugan, Pasig City natuklasang hindi naideposito ang benta ng kompanya noong Pebrero 17, 2021.
Sa patuloy na pagsusuri, lumitaw na P466,430.58 ang nawawala at umamin Hilario sa ginawang pagnanakaw.

The post Kahera kulong sa pagtangay ng P.5m ng kompanya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kahera kulong sa pagtangay ng P.5m ng kompanya Kahera kulong sa pagtangay ng P.5m ng kompanya Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.