WALONG buwan nalang filing na ng Certificate of Candidacy para sa Mayo 2022 Election, labing limang (15) buwan mula ngayon.
Mukhang walang gusto tumakbo sa pinagpipilian ng administrasyon na sina Presidential daughter Sara Duterte-Carpio, ang kasalukuyang alkalde ng Davao City; at Senador Bong Go, ang pinaka-loyal at matagal nang “special assistant” ni Pangulong Rody Duterte.
Una nang nag-anunsyo si Sara na hindi siya tatakbo sa higher position. Sa 2034 pa raw siya kakasa sa pagkapangulo, sa kabila ng mga pinakakalat na kalendaryong “Run Sara, Run” na gawa yata ni Presidential Legal Chief Salvador Panelo.
Inanunsyo rin ni Sen. Bong Go na huwag na siyang isama sa bilang sa mga tatakbong Presidente sa 2022. Hindi niya raw hangad pa ng higher position.
Pero walang basta naniniwala sa mga binandilyong ito nina Mayor Sara at Sen. Bong Go. Kasi nga ginawa narin ito ni Pangulong Duterte noong 2016. Na hindi raw siya (Digong) tatakbo pero may pinag-file pala ng candidacy sa pagka-pangulo at pinagwidro sa last day ng filing para sa substitution. Si noo’y Barangay Chairman Martin Diño, Usec ngayon ng DILG, ang pinalitan ni Duterte. Nagkaroon pa nga ng isyu dahil ang nakalagay sa CoC ni Duterte ay for Mayor ng Pasay City. Hehehe…
Kung sakali ngang hindi kakasa alin man kina Sara at Bong Go, sino ang ilalaban ni Pangulong Duterte? Si Pacquiao? Si Marcos? I don’t think so…
How about Manila Mayor Isko Moreno?
Yes! Nitong mga nakaraang araw ay naging busy si Yorme sa mga kumakausap sa kanya para kumasa na sa presidential derby habang mabango pa siya sa masa.
Si Yorme ay malapit na pangalawa sa mga survey, kung totoo ang lumabas na surveys, sa nangungunang si Sara.
Medyo na-energize pa si Yorme nang sabihin ni Senador Ping Lacson na “strike it when the iron is hot”. Oo nga naman… Kelan ka pa kakasa kung malamig na ang pangalan mo?
Minsan ka lang ginusto ng masa, pagbigyan mo na, Yorme!
Sakali ngang tumakbo si Yorme at ‘di palarin, okey lang… madali siyang makabalik sa Maynila. Yes! sa performance niya ngayon sa Maynila, walang kakasa kay Yorme. Pramis!
Nitong nagdaang ilang araw nagkita at nag-usap sina Yorme at ex-Sen. Bongbong Marcos sa isang restoran sa Maynila. Seryoso ang pinag-usapan ng dalawa. Ano sa tingin nyo ang kanilang pinag-usapan? Surely politika, ang 2022 Election.
Si Marcos, natalo kay Vice President Leni Robredo noong 2016, ay desidido tumakbong Pangulo. Posible nililigawan niya maging VP si Yorme Isko. Si Isko ay nangunguna sa surveys sa Vice Presidentiables.
May lumapit narin kay Yorme na malaking tao, bilyonaryo mula Central Luzon, isa sa nag-ambag ng malaking panalo kay Duterte noong 2016. Hindi lang natin sure kung ano ang kanilang pinag-usapan. “Secret” daw!
Sa totoo lang, mga pare’t mare, kung kakasa na Pangulo si Yorme, kailangan niya ng running mate na maka-masa rin tulad ni Pacquiao para makatiyak ng malaking boto mula sa masa.
Kung Vice President naman ang kanyang tatakbuhin, llamadong llamado talaga si Yorme. Malaki ang maitutulong niya sa kung sino ang Presidente niya. Ayos na ayos siya kay Robredo. Mismo!
Magmatyag pa tayo…
The post Ayaw ni Sara, ayaw ni Bong Go, how about Isko? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: