Facebook

Bading siningil sa utang sa FB napahiya, tumalon-patay sa mall

PATAY ang isang bading nang tumalon mula sa 4th floor ng mall sa lungsod ng Bacolod, Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Police Lt. Joven Mogato, station commander ng Bacolod Police Station 2, nasa mid-30s ang edad ng biktima na residente ng Barangay Sum-ag, Bacolod City.
Walang nakapigil sa biktima at nagulat na lamang ang mga mall goers nang may tumalon mula sa 4th floor ng Ayala Malls Capitol Central sa Gatuslao Street.
Ayon sa hepe, may nakita ang mga medical attendant na suicide note mula sa bulsa ng biktima kungsaan nakasulat na mayroon itong problema sa pamilya kaya’t kanyang kinitil ang kanyang buhay.
May dalang bag ang biktima na may nakitang IDs na nagpapakita na empleyado ito ng isang mall sa Bacolod.
Sa pananaliksik, sinisingil umano ang biktima sa kanyang utang at binigyan ng hanggang 5:00 ng hapon na deadline nitong Miyerkules para sa kanyang bayad.
Ayon sa mga nakakilala sa biktima, nag-post sa Facebook ang sumisingil ng kanyang utang kaya’t pinaniniwalaang napahiya ito.
Sa ngayon, deleted na ang posts ng sumisingil ng utang.

The post Bading siningil sa utang sa FB napahiya, tumalon-patay sa mall appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bading siningil sa utang sa FB napahiya, tumalon-patay sa mall Bading siningil sa utang sa FB napahiya, tumalon-patay sa mall Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.