Facebook

Retiradong pulis patay sa pamamaril, isa pa sugatan

CAMP PACIANO, RIZAL – Patay ang isang retiradong pulis na kasalukuyang hepe ng Bantay Bayan nang pagbabarilin sa loob ng barangay hall, habang sugatan ang kanyang tauhan sa Barangay Mapagong, Calamba City, Miyerkoles ng gabi.
Sa inisyal na ulat ni Public Information Officer (PIO) Police Lt. Chitadel Gaoiran, kinilala ang napatay na si Apolonio Naredo Jr., 52 anyos, residente ng Bgy. Mapagong.
Kinailangan namang sumasailalim sa operasyon ang tauhan ni Naredo na si Rigor Medes, 38, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Nangyari ang pamamaril 7:30 ng gabi habang nasa loob ng barangay hall ang mga biktima at nanonood ng telebisyon nang sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril ang dalawa na hindi na nagawang makapanlaban.
Binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan si Naredo na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Dick Garay)

The post Retiradong pulis patay sa pamamaril, isa pa sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Retiradong pulis patay sa pamamaril, isa pa sugatan Retiradong pulis patay sa pamamaril, isa pa sugatan Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.