Facebook

2 patay sa riding in trio sa Oplan Sita sa Laguna

LAGUNA – Patay ang dalawa sa tatlong magkakaangkas sa motorsiklo nang makipagbarilan ang mga ito sa mga kagawad ng Highway Patrol Group (HPG-4A) at Binan PNP SWAT Team sa bahagi ng Langkiwa service road dito sa lungsod.
Nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga operatiba ng HPG-4A nang tumangka tumakas ang magkakaangkas sa motorsiklo at pinutukan ng dalawang angkas ang mga pulis, dahilan para resbakan ng mga operatiba ang riding in trio, laglag ang dalawa at nakatakas ang driver.
Ayon kay Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Laguna City Police, 3:25 ng Huwebes ng madaling araw naganap ang barilan. Walang nasugatan sa mga operatiba.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .45 na pistola, at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. (Dick Garay)

The post 2 patay sa riding in trio sa Oplan Sita sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa riding in trio sa Oplan Sita sa Laguna 2 patay sa riding in trio sa Oplan Sita sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.