Facebook

Bangkay ng lalaki sa sako natagpuan sa Laguna

LAGUNA – Isang bangkay ng lalaki na nakalagay sa sako ang natagpuan sa bahagi ng SM Access Road, Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Linggo ng umaga.
Sa ulat ni Lt. Col. Vicente Amante, hepe ng pulisya, 7:50 ng umaga nang madiskubre ng dalawang janitor na sina Balbino Tangson, 28; at Marjune Batiancila, 32, ang bangkay habang naglilinis ang mga ito sa lugar.
Nakaposas ang kamay ng biktima na nakasuot ng kulay puting T-shirt na may blue stripe, asul na pantalong maong, puting rubber shoes at nasa edad 30 pataas.
Hinala ng pulisya, pinahirapan bago pinaslang sa ibang lugar ang biktima at itinapon sa lugar.
Pansamantalang nakalagak ang bangkay sa John Paul Funeral Parlor para sa isasagawang awtopsiya ng mga kagawad ng Scene of Crime Operatives (SOCO). (Dick Garay)

The post Bangkay ng lalaki sa sako natagpuan sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bangkay ng lalaki sa sako natagpuan sa Laguna Bangkay ng lalaki sa sako natagpuan sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.