Facebook

Mayor Isko kukunsulta muna sa medical sector, mall owners sa pagbubukas ng mga sinehan

PINAG-AARALAN pa ng pamahalaang lungsod ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na luwagan ang restrictions sa mga sinehan, theme parks, arcades and museums.
Ayon sa IATF, papayagan nang magbukas ang mga sinehan sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ). Gayundin ang driving schools, libraries at cultural centers.
Ang kapasidad naman ng religious gatherings, nadagdagan narin ng hanggang 50 porsyento.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ikukunsulta pa ng lokal na pamahalaan sa Manila Health Department (MHD) at mall owners sa lungsod ang rekomendasyong ito ng IATF.
Binigyan diin ng alkalde na isang mahirap na paghahanda at responsibilidad ang kinakailangan sa bagay na ito.
Sinabi ng alkalde na kailangan munang ipatupad ang pag-iingat lalo na sa mga sinehan upang maprotektahan ang publiko.
Tiniyak din ng alkalde sa publiko ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan upang maiangat ang mga sektor ng negosyo na labis na naapektuhan ng pandemya. (Jocelyn Domenden)

The post Mayor Isko kukunsulta muna sa medical sector, mall owners sa pagbubukas ng mga sinehan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Isko kukunsulta muna sa medical sector, mall owners sa pagbubukas ng mga sinehan Mayor Isko kukunsulta muna sa medical sector, mall owners sa pagbubukas ng mga sinehan Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.