Facebook

PGH all set na sa vaccine roll out

NAKAHANDA na ang Philippine General Hospital (PGH) sa roll out ng vaccination program para sa Covid-19.
Sinabi ni Director Gap Legaspi sa media forum ng Department of Health na handa na ang lahat maliban sa low dead space syringe na aniya ay nahihirapan silang makahanap.
Pagdating aniya sa admin management, anumang bakuna ang dumating ay handa na ang PGH.
Ayon kay Legaspi, isa sa ginawang paghahanda ng PGH ang simulation exercises para sa pagbabakuna ng frontliners at ang malawakang vaccination rollout sa buong bansa.
Nasa 94 porsyento na aniya ang nagpakita ng suporta o kagustohan na magpabakuna sa kanilang health care workers.
Kasama sa mga babakunahan sa PGH ang mga empleyado tulad ng mga gwardiya at janitor na kasama sa unang babakunahan sa unang batch ng pagdating ng Pfizer Covid-19 vaccine.
Hinikayat ni Legaspi ang publiko na magtiwala lamang sa sistema ng nagpapatakbo ng vaccination program dahil ang iniisip lamang nila ay kapakanan ng publiko.(Jocelyn Domenden)

The post PGH all set na sa vaccine roll out appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PGH all set na sa vaccine roll out PGH all set na sa vaccine roll out Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.