ANG pigilan o tapusin ang mga pagdukot ng mga kabataan sa Mindanao ng mga komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines at ng New People’s Army (CPP-NPA) ang matagal nang ninanais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tulad na lang halimbawa ng 21 menor de edad na nabibilang sa Manobo tribe na narescue ng ating kapulisan sa isang retreat house sa University of San Carlos sa Cebu City nitong nakraang buwan, na matagal ng pinag-aagawan ng CPP-NPA at ng kani-kanilang mga magulang.
Sa ibang ulat na kahit halata namang pinipihit ng mga nakikisimpatya sa komunistang-teroristang samahan, ang mga kabataan na kung tawagin ay mga “Lumad” na galing sa Talaingod, Davao Del Norte ay talaga namang hinihikayat ng CPP-NPA na sumanib sa kanilang kilusan at kunwari’y binibigyan ng edukasyon upang magkaroon ng mga kaalaman.
Subalit nang salakayain ng tropa ng Philippine National Police (PNP) ang nasabing unibersidad sa Cebu, napatunayang dinodoktrina pala ang mga kabataan hinggil sa mga aktibidades ng CPP-NPA.
Ang PNP at ilan sa mga magulang ng mga kabataan na nanggaling pa sa Davao Del Norte ang siyang mga nakasaksi sa mga gawaing ito ng CPP-NPA sa loob ng unibersida. Kalaunan nga ay naglabas pa ang paaralan ng pahayag na ang mga Lumad ay bahagi ng 42 katong delegasyon na parte raw ng modular schooling noon pang March 2020, at nakatakda na sanang bumalik sa kanilang mga komunidad ngunit naantala dahil sa lockdown.
Lumalabas din sa imbestigasyon na nagmula ang mga bata sa dating NPA-front na Salaungan School sa Talaingod na ipinasara ng Department of Education (DepEd) noong 2019.
Sa rescue operation na nabanggit, nauwi ito sa pagsasampa ng kaso mula sa mga operatiba ng Police Regional Office 7 gaya ng serious illegal detention, human trafficking, at kasong paglabag sa International Humanitarian Law at maging sa Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict. At naiharap na rin ang mga nakasuhan sa Inquest proceedings sa Provincial Prosecutor’s Office ng Davao del Norte sa Hall of Justice, Capitol Site, Mankilam, Tagum City sa pamamagitan ng video conference
Ang rescue operation din ang nagpapatunay na patuloy pa rin ang recruitment sa mga kabataan ng mga pulahang CPP-NPA upang sanayin ang mga ito bilang mga “child warriors” na tahasang paglabag sa International Humanitarian Law.
Noon pa lamang 2019, limampu’t limang paaralan na pag-aari ng Salupungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center sa Davao Region ay pawang ipinasara na ng DepEd dahil nga sa mga pagtuturo ng maka-kaliwang idolohiya para sa mga katutubo gaya ng mga Lumad.
Ang mga kabataang ito ay kinuha sa kanilang mga magulang na pinangakuang makakapag-aral ang kanilang mga anak, upang gumanda ang kanilang mga kinabukasa. Yun pala naman ay tinuturuang sumamang mag-aklas sa pamahalaan at gagamitin lamang ng mga mapagsamantalang grupo ng CPP-NPA.
Matagal ng talo ang kalagayan ng mga Lumad na ito at alam ito ng Administrasyong Duterte, kaya ganun na lang ang pagsusumikap ng pamahalaang ito na pangalagaan ang kanilang mga katayuan lalo na ang mga kabataan, upang di masira ang kanilang kinabukasan.
The post Batang lumad na laging tao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: