IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na agarang kumilos para matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na Filipino lalo ngayong nasa gitna ang bansa ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain.
“(The year) 2020 has indeed been very challenging for our economy. Our country battled numerous calamities which affected the lives of the ordinary Filipino and limited our access to stable food supply. Unfortunately, this also led to a considerable increase in food prices,” ani Go sa pagdinig ng Senate committee on agriculture sa patuloy na pagmahal ng halaga ng mga produktong pagkain sa bansa.
“We cannot afford to impose additional burdens on ordinary Filipino families for they deserve quality, sufficient and nutritious food on their tables. After all, a progressive nation is founded on healthy and robust citizens,” idinagdag niya.
Kaya naman lubos na pinasalamatan ni Go si President Rodrigo Duterte sa paglalabas ng Executive Order No. 124 para mahadlangan ang pagtaas ng halaga ng baboy at manok sa pamamagitan ng pagpapatupad ng price ceiling sa loob ng 2 buwan sa Metro Manila, simula noong February 8.
“This urgent measure, under our Price Act, is necessary to lessen the adverse impacts of the natural calamities that ravaged our country,” ipinunto ng mambabatas.
“It ensures that meat products remain affordable and accessible to the public and also prevents price manipulation,” aniya.
Umapela si Go kina Agriculture Secretary William Dar, Trade Secretary Ramon Lopez at sa private sector na i-monitor ang halaga ng food products at tulungan ang bansa na palakasin ang seguridad sa pagkain.
“Bilang mambabatas, patuloy ang panawagan ko sa Department of Agriculture na maglatag ng long-term solutions towards food security,” ani Go. (PFT Team)
The post Bong Go, iginiit ang pangmatagalang solusyon sa seguridad sa pagkain appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: