NAGKASUNDO sina Senator Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte na tutulan ang panukalang magsagawa na ng face-to-face classes at ilagay ang buong bansa sa ilalim ng mas pinaluwag na modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Go, naninindigan si Pangulong Duterte na kinakailangan munang magkaoon ng vaccine rollout bago luwagan ang quarantine restrictions.
“Not to the best interest of the country… Magbakuna muna tayo… Cannot in conscience allow these things (MGCQ, face-to-face classes) to happen and something might get wrong…” ang sabi ng Pangulo.
“‘Yung about face-to-face class po, nagkausap po kami ni Pangulong Duterte bago pa po inanunsyo ni Secretary Harry Roque. Nagkaroon na po kami ng diskusyon lang po, pribadong diskusyon ni Pangulong Duterte dahil talaga para sa amin delikado pa po na magkaroon ng face-to-face classes. Hintayin muna natin. Bakuna muna,” ang sabi ni Go.
“Rollout muna ng bakuna bago natin umpisahan ‘yung pilot na face-to-face classes, dahil delikado po sa mga kabataan natin. I think ganoon rin po ang stand ng ating Pangulo, gusto rin po niya.,” idinagdag ng senador.
Hinggil sa panukala namang ilagay na sa MGCQ ang buong bansa, sinabi ng senador na habang hindi pa nauumpisahan ‘yung rollout ng vaccine, habang hindi pa po nauumpisahan ‘yung pagtuturok, pagbabakuna ay huwag muna itong payagang dahil delikado pa ang sitwasyon.
“Pero kapag nakita na po ng tao na nag-uumpisa na po ‘yung pagbabakuna, puwede na po siguro. Puwede na nating balansehin po ang lahat, ekonomiya, at itong health protocols natin,” ayon sa mambabatas.
Tiniyak ni Go sa publiko na mahigpit na nagmo-monitoring ang pamahalaan sa progreso ng vaccination program.
“Nakatutok po tayo, ang ating gobyerno sa pagbabakuna. Mas mahihirapan po tayo na wala pang bakuna tapos bubuksan natin ang klase, panibagong problema na naman po ang ating aatupagin ‘pag saka-sakaling may mga positibo po. Lalo na ngayon po na mayro’n tayong tinatawag na UK variant po na kumakalat rin po. Mabilis po itong makahawa. So dahan-dahan lang po muna,” paliwanag ni Go.
“Para sa akin po, habang wala pa pong rollout ng bakuna, habang wala pang tinuturukan ng bakuna sa mga frontliners, ‘wag munang umabot sa MGCQ dahil delikado pa po ang sitwasyon,” dagdag niya.
Kaya naman inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay ng direktiba si Duterte sa Gabinete na huwag muna ilagay sa ilalim ng MGCQ ang Pilipinas hanggang walag rollout ng vaccines.
“The Chief Executive recognizes the importance of re-opening the economy and its impact on people’s livelihoods. However, the President gives higher premium to public health and safety,” pahayag ni Roque.
Samantala, inihayag ni Go na plano nila ng Pangulo na bisitahin ang mga biktima ng Typhoon Auring sa Caraga region para mamahagi ng ayuda.
“Tutungo po kami ni Pangulong Duterte sa mga tinamaan po ng bagyo na Auring…diyan po sa mga kababayan natin sa Mindanao, sa Caraga Region, sa Surigao, sa Tandag ay bibisitahin po natin ‘yung mga kababayan, makapagbigay po ng konting tulong,” sabi ni Go.
“Nababahala tayo na mayroon pa tayong pandemya, may bagyo pa. May dalawa pong bagyo na dumating sa buhay natin ngayon. Itong pandemya mas higit pa po ito sa bagyo,” anang senador. (PFT Team)
The post PRRD, Bong Go nagkasundo: No face-to-face classes, no MGCQ kung walang bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: