MAKIKIPAG-UGNAYAN ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa Manila Electric Company (MERALCO) upang tiyaking may steady supply ng kuryente ang storage facility ng lungsod kung saan naroon ang COVID-19 vaccines.
Nabatid kay Manila Mayor Isko Moreno na inatasan na niya si City Engineer Armand Andres upang personal na makipagugnayan, dahil ayon sa kanya ay napakahalaga ng steady electrical supply upang masustina ang kinakailangang temperatura upang mapanatili ang bisa ng bakuna.
Tiniyak naman ni Moreno na ang COVID-19 vaccine storage facility na nasa Sta. Ana Hospital ay may kakayahan na tumannggap ng lahat ng uri ng bakuna na available para sa lungsod, dahil ito rin ay may kakayahan na mag-comply sa anumang temperatura na nire-require ng bakuna.
Sinabi ni Andres na hinihiling ng alkalde ang ‘no power interruption’ operation para sa nasabing storage facility lalo na kapag dumating na ang COVID vaccines.
Ang bagay na ito, ayon kay Andres ay naiparating na niya sa Meralco at sinabi rin nito na ang bawat isa sa 12 freezer units sa storage facility ay may UPS (uninterruptible power supply) system kung saan mamimintina ang power supply kahit na magkaroon ng brownout.
Mayroon ding generator set ang storage facility upang matiyak na tuloy-tuloy ang supply ng kuryente.
Idinagdag pa ng city engineer na inutos ng alkalde ang paglalagay ng computers na magagamit sa monitoring ng supply center.
Gagamit din ng data logger upang mamintina ang temperatura sa loob ng storage units na tuloy-tuloy na imo-monitor ng computers at tutunog kapag nagkaroon ng pagbabago sa temperatura.
“Be it Pfizer, Moderna, Astra Zeneca, Sinovac, Sputnik or Johnson & Johnson, any vaccine that can be accessed by the city government of Manila can be stored properly in our facility,” pagtitiyak ni Moreno.
Ang nasabing storage facility ay nasa seventh floor ng Sta. Ana Hospital na ilalim ng directorship ni Dr. Grace Padilla ay umuukupa ng100 square meters at mayroong anti-bacterial vinyl flooring.
Samantala, ang bilang ng mga pre-registered para sa free vaccination sa https://ift.tt/3nQ5c8v ayon kay electronic data processing chief Fortune Palileo, ay nasa 89,000 na.
Noong isang linggo ay nagbayad na ng kabuuang P38.4 million ang pamahalaang lungsod para sa 800,000 doses ng Astra Zeneca vaccines at ito ay para 400,000 katao na kailangang bigyan ng dalawang dosis ng bakuna bawat isa. (ANDI GARCIA)
The post Walang patid na supply ng kuryente, titiyakin para sa storage vaccine facility – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: