Facebook

CHINESE NATIONAL IKINULONG, NASAGIP

LAGUNA – Nasagip ng mga kagawad ng Binan City Police ang isang Chinese national mula sa tatlong araw na pagkakulong sa Las Villas de Manila sa Barangay San Francisco, Biñan City dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Binan City Police; kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, kinilala ang biktima na si Li Jiqing, 36 anyos.
Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Zhang Chen, 25, isa ring Chinese national at pansamantalang naninirahan sa Las Vellas de Manila sa Paseo de Manila St., Bgy. San Francisco.
Sa ulat ni Martinez, 8:00 ng gabi noong Lunes, Pebrero 22, nang madiskubre ng mga kasamahan ng biktima ang insidente at iniulat ito sa pulisya.
Dinatnan ng mga pulis ang biktima na nakatali sa likod ang kanyang mga kamay, habang binabantayan ng suspek mismo sa kanyang tinutuluyan.
Nabatid na kaya ikinulong ang biktima ay dahil sa malaking pagkakautang nito sa kompanya.
Kasong ‘Illegal Detention’ ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspek na nakapiit ngayon sa Binan City PNP detention cell. (Dick Garay)

The post CHINESE NATIONAL IKINULONG, NASAGIP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CHINESE NATIONAL IKINULONG, NASAGIP CHINESE NATIONAL IKINULONG, NASAGIP Reviewed by misfitgympal on Pebrero 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.