PATULOY ang suportang kaloob ng Cocolife sa Davao Occidental Tigers lalo na sa napipintong pagbabalik-aksyon ng MPBL sa hardcourt .
Kasado na ang pagpapatuloy ng Lakan Cup na naudlot dahil sa pandemya.
Handang – handa nang magpamalas muli ng bangis ang Davao Occidental Cocolife Tigers sa pagbabalik ng Maharlika Pilipinas Basketball League kung saan ay ang desisyon na lamang ng Department of Health ang hinihintay upang magbigay na ng green light ang IATF para sa bubble event ng ligang hahataw sa Subic .
Ang pacesetting team mula Mindanao ni Rep. Claudine Bautista at manager Dinko Bautista na suportado nina Cocolife president Atty Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, EVP Franz Joie Araque at VP Rowena Asnan ay determinadong sagpangin ang south division title kontra Basilan tungo sa misyong national championship ng MPBL Lakan Cup na ga- buhok na humulagpos noong nakaraang Datu Cup 2019 -2020 edition.
“ Yes, our Tigers are ready, go signal na lang ang hinihintay and we are here to support.” wika ni Cocolife SVP Ronquillo.
Nasa siyento- porsiyento nang kondisyon ang Tigers’ fronliners na hindi lumiban sa training via zoom at physical workout naman sa kani-kanilang bakuran kahit noong lockdown ayon kay team deputy manager Ray Alao
Ang Davao Occidental Cocolife Tigers ay binabanderahan ng solidong starters na sina Mark Yee , Bonbon Custodio, Billy Robles, Emman Calo at iba pang mababangis na manlalaro mula southern Philippines.
“ Our Tigers are raring to roar!, ani Alao.
Sa north division ay maghaharap sa do- or -die ang defending national champion San Juan kontra Makati.
Optimistiko naman si MPBL commissioner Kenneth Duremdez na aaksiyunan na ng DOH ang request ng liga upang makamtan na ang go signal ng IATF para matuloy na ang Subic bubble ng ligang itinatag ni Senator Manny Pacquiao na posibleng umarangkada sa kalagitnaan ng susunod na buwan ng Marso.(Danny Simon)
The post COCOLIFE TODO SUPORTA SA DAVAO OCC.TIGERS PAGBALIK- AKSIYON SA MPBL BUBBLE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: