TINAPOS ni Jaja Santiago at Ageo Medics ang 2020-21 Japan V League sa fifth place matapos idispatsa ang Okayama Seagulls, 17-25,25-23,25-20, Linggo sa Saitama Prefecture.
Tumipa si Santiago ng nine kills at two blocks for 11 points para hikayatin ng Saitama-based squad ang kanilang season sa kumbinsidong panalo kontra Okayama matapos ang isang oras at 54 minutong paluan..
Yuka Sato umiskor ng 26 points off 25 spikes para sa Ageo Medics, Yuri Yoshino nagdagdag ng 16 marka, habang ang Canadian import Shainah Joseph bumakas ng 15.
Mae Watanabe at Syuka Kaneda may 18 at 14 points, ayon s apagkakasunod para sa Seagulls, na nagkasya sa sixth place.
Isang araw bago ang bakbakan para sa fifth, ang Filipina import ay humataw ng 13 points sa 25-23,21-25,26=24,25-14 tagumpay laban sa Hitachi Rivale.
Ang Ageo Medics ay nagwagi ng bronze medal last season sa tulong ni Santiago, tinapos ngayon taon ang tournament na may pitong sunod-sunod na tagumpay buhat noong January 23.
Kinapos ang team na makapasok sa semifinal appearance na may 12- 8 win-loss record sa elimination.
Santiago ay naging import ng Saitama sa tatlong season, ay maglalaro sa isa na namang pocket tournament simula sa susunod na Sabado.
Sinabi ng N U standout na babalik siya sa Piipinas s Marso.
The post Jaja Santiago, Ageo Medics fifth place sa Japan V League appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: