Facebook

Online Sabong, pasok na sa kultura ng korapsiyon

NAKATANGGAP po tayo ng mga sumbong at impormasyon na ang sugal na online sabong ay mistulang ugat na ng korapsyon sa hanay ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan dahil na rin sa pagkahumaling ng mga ito sa tinukoy na sugal.

Kinakain umano ng nadabing bisyo ang mga official hours ng mga naka-duty na mga opisyal at kawani ng gobyerno na nagiging daan upang maapektuhan ang kanilang efficiency sa kanilang trabaho.

Sinabi ng source na kahit na sa oras ng trabaho ay ito pa rin ang pinagkakaabalahan ng mga government officials na ito na lantaran nakikita ng iba pang mga mga empleyado ng gobyerno.

Ilan sa pinakaapektadong sangay ng pamahalaan ah ang DPWH, Bureau of Customs, PNP, judiciary, both Houses of Congress, DILG, local govetnment units (LGUs) hanggang sa lahat na yata ng sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga ahensiyang nakatalaga sa pagtutok sa front line services ng gobyerno kasama na ang mga GOCCs.

Ang tinaguriang Online Sabong fever na tila pandemya ring bumalot sa sistema ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ay patuloy na umiiral at sumisira sa magandang performance ng mga pangunaging opisina ng pamahalaan.

Hingi umano malaman tuloy kung anong ahensiya ngayon ang dapat kumilos sa nalalang bisyong ito na sumakmal hindi lamang sa serbisyo sa gobyerno kundi sa korapsiyong inihatid nito dahil na rin sa epekto ng online na sugal.

Kaya naman pala sa tuwing nagtutungo sa mga tanggapang ito ang mga tao ay di pinapapasok at sinasabing gawin na lang thru online ang transaksyon. Ilang skeletal forces lamang ang inilalagay sa online staff para asistehan ang mamamayan.

Sumusuweldo ang mga ito mula sa taxpayers ngunit di napapakinabangan to the max.

Worst, ginugugol pa ng mga department head at opisyal ng pamahalaan ang kanilang opisyal na oras habang naka-duty sa pagpindot ng kanilang mga celfon sa pagsusugal at pagtaya sa online sabong.

Ilang PNP commanders, chief of police ang mismong isinumbong sa atin na nagugumon sa online sabong.

Ito ay nakakapangyari sa loob mismo ng kanilang mga airconditioned room sa police headquarters.

What the fuck General Debold Sinas sir!

Wala ba tayong magagawa sa isyung ito na gumapang na rin sa buong institusyon ng kapulisan? Pati ang pagresponde sa mga nangyayaring krimen ay unti-unti na rin naaapektuhan at nagiging malatuba.

Ang tumindi lamang na napuna natin ay ang mga pangongotong na nangyayari sa mga inilalatag na checkpoints sa buong bansa.

Kaya naman pala hapit na hapit sa kuwarta ang ating kapulisan ay na-addict na rin pala sa sugal na online sabong.

Madali lang kasing tumaya sa opisyong ito. Di mo na kailangan pang magpunta sa sabungan. Magcash in ka lamang sa celfon mo at presto, puwede ka nang tumaya at magbabad sa online sabong.

Mula 100 piso hanggang isang milyong piso ay maari mong itaya kada sultada sa larong ito nationwide basta may balanse ka lang na salapi sa iyong account.

Nakatago pa sa mata ng publiko ang ginagawa mong pagsusugal.

Ang online sabong partikular na ang WPC 16 Online Sabong ni Mr.Charlie Atong Ang ay naka- tie up sa dalawang higanteng money remittance companies,ang PAY MAYA at GCASH making it so easy for everyone na makasalu at makapagsugal anytime and any where ika nga!

Kahit pa nga sa oras ng trabaho o official duty ng mga kawani at opisyal ng gobyerno.

Kahit mga bilanggo na may luxury of possesing a celfon ay nakakapagsabong at nakakataya na rin sa online sabong.

Kaya naman pala ang marami sa mga awtoridad ngayon ay pumapatol na sa iligal na trabaho for easy money ay dahil sa bisyo ng sugal na online sabong.

Kumakapit na sa patalim ang marami sa nga ito kung lubog na sa utang dahil sa bisyo ng pagsusugal.

Dumagdag sa problema ng Pangulong Digong ang online sabong maliban sa illegal drugs na kapwa sumisira sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Ang masakit na katotohanan,iilang enterprising individuals lamang ang nakikinabang sa salot na ito!

Walang kinikita ang gobyerno ngunit napakalaking problema at perwisyo ang hatid nito sa taong bayan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Online Sabong, pasok na sa kultura ng korapsiyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Online Sabong, pasok na sa kultura ng korapsiyon Online Sabong, pasok na sa kultura ng korapsiyon Reviewed by misfitgympal on Pebrero 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.