NAKAPAGTALA muli ng mahigit dalawang libong bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Pebrero 22.
Batay sa case bulletin ng DOH, nasa 2,288 pang bagong kaso ang naitala dahilan para sumampa na sa kabuuang bilang na 563,456 ang Covid case sa Pilipinas.
Samantala ay mayroon namang naitalang 33 na gumaling at 6 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (28,488) ang aktibong kaso, 92.8% (522,874) na ang gumaling, at 2.15% (12,094) ang namatay.
Samantala, isa naman ang inalis sa total case count bukod dito mayroon ding dalawang na-tag na recoveries ang nareclassify bilang pumanaw matapos ang ginawang final validation.
Sa mga lisensyadong laboratoryo naman ay nasa 6 pa rin ang bigong makapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 33 gumaling; 6 nasawi; 2,288 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: