INSPIRASYON SA BUHAY: “… Iniibig ni Jehova ang mga Bata… Ang pagmamalasakit ng Diyos sa mga bata ay kitang-kita sa matatalinong tagubilin na ibinigay niya sa mga magulang. Ang mga batang pinalaki sa isang ligtas na tahanan ay mas malamang na maging mga maygulang at marunong makisamang mga adulto. Kaya naman, pinasimulan ng ating Maylalang ang pag-aasawa, isang panghabang-buhay na kaayusan kung saan “iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24)
***
MALASAKIT NI CONG ROMERO SA MGA BATA, NAKAKABILIB… Noong nakaraang Linggo, napakinggan ko ang isang privilege speech sa Kamara ukol sa pangyayari sa isinagawang rescue ng ating kapulisan sa Lumad Bakwid Center sa University of San Carlos sa Cebu City.
Sa umpisa, ay tila nainis ako na kung bakit kailangan ipagtanggol ang mga sangkot sa New People’s Army (NPA) recruitment maging ang mga recruit nito. Dahil mula’t sapul pa ay banas na banas ako sa mga salot ng lipunan na ‘yan.
Subali’t matapos ko mapakinggan ang buong paliwanag ni Deputy Speaker at 1 Pacman Party-list Congressman Mikee Romero, napag-isip isip ko na tama pala ito. At lalong hindi naman ito pabor o supporter ng NPA dahil ito ay isa sa may akda ng Anti-Terror Law na nilagdaan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.
Na hindi tayo dapat mamuhi sa mga menor de edad na biktima ng ilegal na gawain, bagkus ay maisalba sila sa kamay ng mga salot sa ating lipunan. Tama si Romero, “Spare the Children” at ma-imbestigahan agad ito.
Nararapat nga na iligtas ang mga menor de edad. Ngunit siguraduhin na huwag na huwag makalusot ang mga nasa wastong edad lalo na kung may guro man na kilala na kaanib ng mga terorista na ito.
Kasabay nito, dapat agad mapuksa ang mga gumagawa ng ganitong kaso. Maputol at mabigyan ng leksyon ang mga nasa likod ng paghihikayat sa mga bata o panglilinlang sa mura isipan nila, lalo na sa mga nang pwersa sa mga ito.
Kilala ko si Congressman Romero bilang sadyang matulungin lalo na sa mga bata. Isa ito sa hinahangaan ko, dahil mula ng maupo. napakadami nang natulungan sa pagpapagamot. Lalo na ang proyekto nito para sa mga batang may Congenital Heart Disease, na naduduktungan ang buhay.
Sadyang dapat tularan ito ng ibang mambabatas upang maraming bata ang mabigyan ng dugtong buhay at pag-asa.
***
Ang isa pang paraan ng pagpapakita ni Jehova ng kaniyang pag-ibig sa mga bata ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga magulang na ipagsanggalang ang kanilang mga anak mula sa masasamang tao. Sa sinaunang Israel, kahit “ang maliliit na bata” ay inutusang makinig sa Kautusan, kabilang na ang mga tuntunin hinggil sa angkop at di-angkop na seksuwal na paggawi. (Deuteronomio 31:12; Levitico 18:6-24)
The post Malasakit ni Cong. Romero sa mga bata, nakakabilib appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: