Facebook

Isabela gambling inaksyunan, global tech kinanlungan!

KWESTYUNABLE pala ang kapangyarihan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magbigay ng franchise sa mga indibidwal o korporasyon para magsagawa ng localized lottery, kaya singlinaw na din ng ipinangangaraling prangkisa ng Peryahan ng Bayan (PnB) na ginagamit lamang na front ng mga lokal na gambling operator sa pagpapatakbo ng jueteng ay lalo pang iligal.

Dati ay kinumpirma ni PCSO General Manager, Royina Garma na wala itong binigyan ng franchise o permit para mag-operate ng PnB saan mang sulok ng bansa, lalo na sa Cavite, Rizal, Laguna, Pangasinan, Laguna at Mindoro kung saan ay nag-ooperate ang Global Tech. Marahil ay batid ng lady PCSO manager na wala itong mandato na magbigay ng prangkisa sa operator ng nasabing pasugal.

Tiniyak ni Garma na hindi franchise ang ipinagkaloob nito sa mga nagpapatakbo ng lokal na loterya kundi permiso lamang bilang Authorized Agent Corporation (ACC) pagkat alam nitong hindi ang (PCSO) ang ligal na mag-isyu ng prangkisa.

Kaya ang mga ilegalistang jueteng operator na nagyayabang na protektado ng kunyari ay franchise na iniisyu kuno ng PCSO, ay wala nang lulusutan!

Hindi na magiging katwiran ng ilang prptektor at pabayang opisyales at kagawad ng kapulisan sa ilalim ni PNP Director General Debold Sinas, na may hawak ang mga indibidwal na jueteng operator ng “basurang prangkisa” ng PCSO kaya hindi ng mga ito maaresto. Hindi na din ngayon uubra ang gimik ng maraming kapitan ng barangay na operator pala ng iligal na pasugal, na mayroon silang franchise na iniisyu ni Garma para makapag-operate naman ng jueteng.

Ayon sa mga kongresista ay ang kongreso lamang ang may kapangyarihang magbigay ng prangkisa sa mga lottery operators sa bisa ng Congressional franchise.

Batay pa din sa House Committees on Games and Amusement and on Good Government and Public Accountability, hindi saklaw ng Implimenting Rules and Regulations (IRR) ng PCSO na magbigay ng prangkisa at magpahintulot ng pagsasagawa ng localized lottery pagkat national in scope ang mandato nito.

Inihalimbawa ng mga mambabatas ang operasyon ng PCSO sponsored draw na ligal na Loterya at saklaw ng kapangyarihan ni Garma at ng PCSO.

Dahil sa pagkatuklas ng komitiba na kinabibilangan nina SAGIP party- list Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Eric Pineda ng 1 Pacman party list at Isabela Reps. Faustino Dy V at Rodolfo Albano ay bukong-bukop na hindi pala dapat na magsagawa ng localized lottery draw ang mga ACC, kabilang na nga dito ang STL.

Kung gayong labag pala sa IRR ng PCSO na magpatakbo ng localized lottery, kaya higit at lalong bawal na magpa-operate angmga ito ng kontrobersyal na PnB.

Bunsod ng resulta ng House Committees inquiry, ay hiniling ng mga nasabing mambabatas na suspendihin ang operasyon ng STL sa lalawigan ng Isabela.

Isinangkalan naman ni Garma na hihintayin muna nito ang giya ng Malacañang bago ito umaksyon. Si Garma ay nanghihiram lamang yata ng lakas ng loob ng Malacañang,hindi ito makapagdesisyon bagamat saklaw ng kapangyarihan nitong ipasara o kaya ay suspendihin ang pasugal sa Isabela?

Teka nga pala, bakit ba ang operasyon lamang ng dayaang loterya sa Isabela ang hininiling ng House Comittees na kantiin ni Garma, bakit hindi kasali sa kahilingan ng mga kongresista ang pagpapasara ng operasyon ng Global Tech sa mga outlet ng PnB?

Higit at mas lalong kailangan na maipatigil na ang operasyon ng Global Tech saan mang sulok ng bansa lalo na sa Cavite, Rizal, Pangasinan, Laguna at Mindoro, pagkat kumpirmadong ginagamit lamang itong front ng mga lokal na jueteng operators para maisulong ang operasyon ng kanilang pa-jueteng.

Baka naman kaya ang inererekomenda ng mga honorable na suspendehin ang operasyon ng loterya ay sa Isabela pagkat hindi kasintindi ng protektor nito ang protektor ng Global Tech.

Wala marahil maipagmamalaking kongresista sa likod ng Isabela gambling operation, di tulad ng Global Tech na may mambabatas na nasa likod nito na matindi at magligalig na honorable kaya karakang ang nairekomenda lamang ng House Comittees ay ang pagpapahinto ng operasyon ng Isabela Lottery ?

Lumilitaw na isang mambabatas pala ang kasosyo sa Global Tech kaya di ito makanti-kanti ng kanyang katoto sa kongreso. Mukhang nagkatotoo din yata sa kongreso ang diwa ng “May Brother’s keeper”?

Pinapurihan natin sa ating naunang pitak sina Congressman Marcoleta, Albano, Yap at Dy sa pagbengga lisyang aksyon ni Garma, kaya ngayon naman ay ating hihilingin na aksyunan ng mga ito ang Global Tech at ang kapwa nito mambabatas dahil sa pagiging protektor nito ng Global Tech.

Kailangang masugpo na ang pagkakanlong ng tanggapan ng Global Tech sa mga jueteng operators sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Pangasinan, Laguna at Mindoro para maitanim sa isip ng mga mamamayan na ang kongreso ay patas,walang kinikilingan sa pagtupad ng kanilang tungkulin at hindi kanlungan ng iligalista…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Isabela gambling inaksyunan, global tech kinanlungan! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isabela gambling inaksyunan, global tech kinanlungan! Isabela gambling inaksyunan, global tech kinanlungan! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.