NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,894 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Pebrero 5.
Samantala ay mayroon namang naitalang 397 na gumaling at 61 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (34,255) ang aktibong kaso, 91.5% (488,274) na ang gumaling, at 2.07% (11,058) ang namatay.
Batay pa rin sa case update ng DOH, may naitalang 6 duplicates na inalis sa total case count.
Sa bilang na ito, 3 ang recovered cases.
Bukod dito, 47 pang kaso na na-tag ang na-reclassify bilang pumanaw matapos ang pinal na validation ng DOH.
Samantala, mayroon pa rin 6 na laboratoryo na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa Data Repository System o CDRS nitong Pebrero 4, isang araw bago ilabas ang daily Covid-19 report. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 397 gumaling; 61 nasawi; 1,894 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: