Facebook

Cuarto, ang bagong IBF mini flyweight champ

NAGING bagong International Boxing Federation mini-flyweight champion si Rene Mark Cuarto Matapos daigin ang matagal na kampeon Pedro Taduran sa all-Filipino clash sa Bula Gym sa General Santos City nitong Sabado.
Sa kabila nang muntik ma knocked down sa Round 7, ay nagumpisang bumitaw si Cuarto ng matitinding suntok upang patunayan na mas malakas siya kay Taduran.
“Sure na sure naman talaga ako [na mananalo ako] kasi pinag-aralan namin yung style niya (I am very sure that I will win because we reviewed his style),” Wika ni Cuarto, na kilala sa kanyang counter punching.
Taduran, na pinanganak sa Libon,Albay, ay muntik nang ma-knocked out si Cuarto sa sevent-round matapos ikonekta ang malakas na right hook at napaupo sandali.
Ang 3 judges — Alberto Dulalas,Sabas Ponpon, at Roel Depsing, lahat ay umiskor ng 115-113 pabor kay Cuarto, na umakyat sa 19-2-2 overall na may 11 knockouts.
“Matagal ko itong pinaghirapan. Dininig ng Panginoon ang mga panalangin ko,” Sambit ni Cuarto. “Nangibabaw yung tapang at saka lakas ng loob ko sa ibabaw ng ring para mapanalunan itong titulong ito.
Samantala, si Taduran ay nalaglag sa 14-3-1 na may 11 knockouts.

The post Cuarto, ang bagong IBF mini flyweight champ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cuarto, ang bagong IBF mini flyweight champ Cuarto, ang bagong IBF mini flyweight champ Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.