Facebook

‘Di residente ng naka-lockdown na barangays sa Pasay, kailangan ng COVID health certificate bago makapasok

MAHIGPIT na ipinatutupad ang extended localized community quarantine sa Barangay 183 sa Pasay City.
Ito ang isa sa 33 barangays na isinailalim sa mas mahigpit na quarantine status dahil sa 200 percent increase ng bilang ng COVID cases sa lungsod.
May checkpoint narin ulit sa barangay na may pinakamaraming active cases. Sa ngayon ay may 25 active cases ang barangay at 10 na ang namatay simula ng nakaraang taon.
Dahil dito, mas naghigpit ang barangay at nagpatupad ng quarantine pass o Barangay ID para sa mga residente at ang pagsuot ng face mask at face shield.
Bawal pumasok sa loob ang mga deliver rider kung walang COVID free health certificate.
Maging ang mga construction worker ay hindi rin makakapasok kung walang health certificate. Bawal rin pumasok ang mga taxi at bawal naman lumabas ang mga tricycle.
Pinayagan namang magbukas ang mga establisyimento sa loob basta sumusunod ito sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Punong Barangay Ruth Cortez, hinala nila ay galing ang isang kaso ng COVID sa barangay mula sa delivery sa labas kaya mahigpit na sila sa mga hindi nila taga-barangay.(Gaynor Bonilla)

The post ‘Di residente ng naka-lockdown na barangays sa Pasay, kailangan ng COVID health certificate bago makapasok appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Di residente ng naka-lockdown na barangays sa Pasay, kailangan ng COVID health certificate bago makapasok ‘Di residente ng naka-lockdown na barangays sa Pasay, kailangan ng COVID health certificate bago makapasok Reviewed by misfitgympal on Pebrero 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.