NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang P6.8 million halaga ng shabu na nakasilid sa air fryer mula sa Sha Alam, Malaysia.
Sa report ng BoC-Port of Clark, nakalagay sa plastic packs ang shabu na may timbang na 1,000 grams (1 kilo).
Ayon sa ulat, dumating sa bansa ang shipment February 16, 2021 at idineklarang “Air Fryer, Silkware.” Pero nang dumaan ito sa physical examination ay nadiskubre ang mga kontrabando na kinabibilangan ng dalawang piraso ng kawali at isang air fryer.
Dumaan din ang shipment sa K-9 sniffing dogs at ang nakuhang samples ay agad isinalang sa laboratory testing at chemical analysis. Dito nakumpirmang shabu ang laman ng mga plastic.
Dahil dito, nagsagawa ang mga otoridad ng controlled delivery operation, naging daan para maaresto ang claimant sa Region VII (Cebu City).
The post P6.8m shabu na isinilid sa ‘air fryer’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: